Home Entertainment Actor Jake Cuenca, kalaboso matapos takbuhan at takasan di umano ang nabangga,...

Actor Jake Cuenca, kalaboso matapos takbuhan at takasan di umano ang nabangga, isang grab rider natamaan

Kapamilya hunk actor Jake Cuenca, hinuli ng mga pulis sa kas0ng r3ckless imprud3nce resulting in dam4ge to the property kahapon, Saturday, Oct. 9.

Ang nasabing report nan naganap sa Mandaluyong ay kinumpirma Eastern Police District – National Capital Region Police Director P/BGen. Matthew Bacay sa isang interview ng DZBB.

May nabangga daw ang SUV na minamaneho ni Jake ngunit hindi ito tumigil.

“Last night at about 9 pm, may dumaan na sasakyan, unfortunately tinamaan ang sasakyan ng mga pulis natin at hindi tumigil ang sasakyan….”

Sa patuloy niyang paliwanag, pinangalanan niya ang 33 anyos na aktor na siyang nakipag habulan pa sa mga otoridad.

“Hinabol ng mga pulis natin hanggang sa nakarating sa area ng Pasig sa may Shaw and when confronted, nakita na ang driver ng sasakyan ay ang aktor na si Jake Cuenca.”

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Ngunit mariin niyang sinabi na tumakas ang aktor at walang pag aalinlangang nakipaghabulan pa sa mga otoridad.

“During the chase. kailangan i-disable ang sasakyan (ni Jake Cuenca) kaya pinutukan ang gulong… May Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala… Nasa maayos naman na kalagayan sa ospital ang Grab driver…,”

Dagdag pa ng heneral, daraan sa medic4l examination si Jake Cuenca ngayong Linggo ng umaga.

Magsisimula rin ang isang pag-iimbestiga sa insidente at plano ng Mandaluyong Police na magsampa ng k4so sa actor.

Gayunman, nilinaw ni Gen. Bacay na walang ilig4l na nahanap o nakita sa loob ng SUV ni Jake.

Narito naman ang video kung saan makikita ang grab rider na natamaan sa habulan.