Home Entertainment Axel Torres, Nagsalita na! Pinaringgan ang Ex na si AJ Raval Dahil...

Axel Torres, Nagsalita na! Pinaringgan ang Ex na si AJ Raval Dahil sa Affair Nito kay Aljur

Mukhang kasama si Axel Torres sa mga hindi approve sa relasyon ni AJ Raval at Aljur Abrenica. Si Axel ang ex-boyfriend ng 26-anyos na Viva starlet. Ilang buwan lamang ang nakakalipas simula ng maghiwalay sila. At matapos pumutok ang balita tungkol sa relasyon ni Aljur at AJ, nag-react din si Axel tungkol dito!

Sa Instagram, simple ngunit swabe naman ang mensahe ni Axel. Patungkol ito sa kanyang ex-girlfriend na di umano’y masaya sa piling ng iba.

Ang masaklap pa dito, dati daw ay sinasabihan siya ng ex niya na wag mangamba sa ibang lalaki, ngunit ito pa pala ang sasamahan niya ngayon.

“Right now, I’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person that she told me not to worry about but it’s alright,” pahayag ni Axel sa kanyang Instagram post. Hindi man nagbigay ng detalye ni Axel, napaisip ang mga netizens kung si AJ Raval nga ba ang pinaparinggan nito.

Matatandaang ilang buwan lamang ang nakalipas simula ng maghiwalay ang dalawa. Noong mga panahong iyon, ibinahagi ni AJ na may mga hindi sila pinagkasunduan. Kabilang na daw dito ang pagpapa-sexy niya sa mga pelikula, bagay na hindi pinayagan ni Axel.

“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga ‘yung relationship namin. Hindi po ako magsisinungaling. Hindi po ako magpapakitang-tao. ‘Yun po ang pinaka-reason,” pahayag ni AJ. Itinanggi rin niya na mayroong third party na namagitan sa kanila.

Hindi rin mapigilang magkomento ng mga netizens sa di umano’y pagiging ‘third party’ ni AJ sa pagitan nina Aljur at misis nitong si Kylie Padilla.

Ayon pa sa iba, dapat ay mag-ingat si AJ dahil kung nagawang iwan ni Aljur ang mag-ina niya, maaaring gawin din ito sa kanya anomang oras.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.