Home Entertainment Hiwalay na talaga? Heaven Peralejo tuluyan ng ini-unfollow si Kiko Estrada sa...

Hiwalay na talaga? Heaven Peralejo tuluyan ng ini-unfollow si Kiko Estrada sa IG binura na din ang kanilang sweet photos

Mukhang kumpirmado na nga ang hiwalayang Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Usap usapan na namang muli sa social media ang aktres na si Heaven Peralejo. Ito ay ng mapansin ng mga netizens na nag-unfollow na siya kay Kiko Estrada sa Instagram.

Pati na din ang mga sweet photos nila together ay burado na rin sa Instagram account ng aktres. Kaya hinuha ng marami ay tila kumpirmasyon na ito na hiwalay na talaga sina Heaven at Kiko.

Matatandaan na noong unang Linggo ng September ay napansin din ng mga netizens na nag-unfollow na si Kiko kay Heaven. Binura din ng aktor ang mga larawan nila ng aktres.

Samantala, sa September 5 Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, tinalakay niya ang tungkol sa kontrobersyal na magkasintahan.

Kung saan ibinunyag ni Ogie na ayon sa kanyang source ay hiwalay na nga sina Heaven at Kiko.

“Kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du’n sa babae, wala na ‘yun,” pahayag ni Ogie.

Pagpapatuloy pa niya, “Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila.”

Pero ayon umano sa reliable source ni Ogie ay split na daw talaga ang dalawang Kapamilya stars. Aniya, “So ‘yun na ‘yon, one way of saying, ‘wala na kami.’ Hindi natin alam kung ano ang rason. Pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila.”

Noong August 30 lamang ay ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary.

Nagpalitan pa nga ang dalawa ng matatamis na mensahe sa post ni Kiko tungkol sa kanilang ikatlong buwan bilang magkasintahan.

Noong August 13, isinapubliko naman nina Heaven at Kiko ang kanilang relasyon.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na statement sina Kiko at Heaven ukol dito.