Home Entertainment Vice Ganda,Hindi Pinalampas ang Ginawa sa Kanya ni Ate Gay na Talagang...

Vice Ganda,Hindi Pinalampas ang Ginawa sa Kanya ni Ate Gay na Talagang Nag Viral..

Naglabas na rin ng kaniyang saloobin si Vice Ganda hingil sa ibinigay niyang tulong kay Ate Gay na ngayo’y minamaliit ng ibang netizens.

Hindi na ipagtataka na may masasabi at masasabi talaga ang mga bashers lalo na sa mga sikat na personalidad kapag tumulong man ito o hindi sa mga taong nangangailangan.

Inulan ng mga komento ng mga bashers si Vice Ganda matapos isiniwalat ni Ate Gay ang halaga ng pera na ibinigay na tulong ni Vice Ganda.

Tila nagpaparinig naman si Vice Ganda kay Ate Gay sa kanyang sinabi sa segment ng It’s Showtime.

Matatandaan kamakailan na naglabas ng pahayag ang kumedyanteng si Ate Gay ng kaniyang hinaing sa mga kaibigan niya, ani nito na aalisin na niya ang mga kaibigan niya sa listahan niya na puro umano reklamo sa maling pamamalakad ng gobyerno sa pandemya.

Matapos na sabihin ito ni Ate Gay ay inulan naman ng mga negatibong kumento si Ate Gay dahil tila umano’y wala itong utang na loob sa mga kaibigan niyang nagbigay ng malaking tulong sa kaniya noong ito ay nagkasakit, lalo pa’t kabilang dito sina Vice Ganda at Ogie Diaz na siyang bokal sa paglalabas nila ng kanilang opinyon laban sa maling gawain ng gobyerno.

Dahil na rin sa mga bashers ni Ate Gay na nagsasabi na sana ay hindi nalang siya tinulongan ni Vice Ganda na maipagamot dahil wala umano itong utang na loob ay inilahad ni Ate Gay ang bagay na ito na kung saan nasaktan si Vice.

Inilabas ni Ate Gay sa publiko ang mga halagang itinulong umano ng kanyang mga kaibigan at kabilang dito ang halagang bigay nina Ogie Diaz na 10k at Vice Ganda na 20k.

Dahil sa inilabas niyang ito ay namaliitan ang ilang netizens sa ibinigay ni Vice Ganda. At dito ay umani ng mga negatibong komento si Vice.

Aminado si Vice na nasaktan siya rito dahil kusa raw niya itong ibinigay.

“Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako ‘bakit 20,000 lang ang binigay mo?’ nasaktan ako. Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama mo; ‘pag tumulong ka, kukwestyunin pa: ‘Bakit ‘yun lang ang tinulong mo?’ That hurts.”sabi ni Vice

Saad ni Vice na nalungkot at nasaktan siya dahil may tinulungan siyang tao, pero nagmahadera pa.

“Yung iba kasi tinulungan na, maldita pa, di ba?

“Di ba, may ganyan, e, tinulungan mo na, maldita pa.

“Tapos binigyan mo na ng kanan, hihingin pa yung kaliwa.

“Tapos pag hindi mo naibigay, mali pa yung pagbibigay mo ng kanan. Yung parang, ‘Ha?’”

Dito na niya naikuwento ang tungkol sa isang taong natulungan niya.

Hindi raw niya ito pinagsabi at hindi rin siya naghintay na i-acknowledge, pero ang natulungan niya ang mismong nagsapubliko nito.

Lahad ni Vice, “Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking meron akong natulungan, pero yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.
“Tapos nilabas niya kung magkano yung itinulong ko sa kanya”

“Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi ng mga comments, ‘Ha, ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, twenty thousand lang?’

“Parang napalunok ako. Parang, ‘Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?’

“Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito…”

Dagdag sabi ni Vice:

“Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.”

“Pero yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako, ‘Bakit P20,000 lang ang binigay mo?’ Nasaktan ako talaga.”

“Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestyunin pa, ‘Bakit yun lang ang itinulong mo?'”

“That hurts so much.”

Nagsorry naman si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa totoong buhay kay Vice Ganda matapos itong masaktan dahil sa pangmamaliit ng bashers sa halaga na ibinagay na tulong nito sa kanya noong magkasakit ito.

Saad ni Ate Gay:

“naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAM*TAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin..

nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher.. sana mapatawad nyo ako .. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko… ❤❤❤”