Home Entertainment Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng...

Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”

Kahit pa wala na siyang TV shows at pelikula, nananatili pa ring relevant si Kris Aquino. Ang “Queen of All Media” ay active pa rin sa social media, kung kaya naman updated ang kanyang mga followers sa kanyang bawat galaw. Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko na may kinakaharap itong health problems ngayon.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Kris kung gaano siya kaingat upang iwasan ang pagkakaroon ng sakit. Mayroon siyang auto-immune disease, kung kaya naman ingat na ingat siyang hindi mahawaan ng ano pa mang sakit na magpapalala sa kondisyon niya. Pahayag ni Kris sa Instagram, maging ang mga kasama niya sa bahay ay pinag-iingat niya rin.

“Maingat kami. Everyone is aware that I have comorbidities pero iba talaga ang panahon ngayon. Complete kaming lahat sa vitamins and supplements, name it: air filter/purifier, sanitizer, disinfectant, anti-bacterial products- we have and we use. Super kulit ako about sa hygiene, sa pagligo, sa paglinis lahat ng surface.”

Kapansin-pansin rin ang pagbabago sa “Queen of All Media.” Ayon sa mga fans, makikita na nabawasan ito ng timbang dahil sa kondisyon niya. Isang netizen ang nag-iwan ng komento kay Kris: “Eat more.”

Inudyukan niya itong kumain pa ng marami upang manumbalik ang dating pangangatawan ng TV host.

Sinagot naman ito ni Kris, at sinabi niyang naaapektuhan ng kanyang mga gamot ang kanyang panlasa. Naisin man daw niyang kumain ng kumain ay wala rin itong epekto, lalo pa’t side effect na ng kanyang gamot ang pagbabago sa kanyang timbang.

“How I wish I could. I am on so much maintenance for my autoimmune conditions and several of them really have an effect on my taste buds and some really do list that weight loss is a side effect. I miss enjoying food,” dagdag pa ni Kris.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.