Home Entertainment Manny Pacquiao nagsampa ng P100-M cyberlibel na reklamo laban kay Pastor Apollo...

Manny Pacquiao nagsampa ng P100-M cyberlibel na reklamo laban kay Pastor Apollo Quiboloy

Nagsampa na ng pormal na reklamo si Senator Manny Pacquiao laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Kaugnay ito sa sinabi noon ni Quiboloy tungkol sa diumano’y sports complex sa Saranggani na ipinatayo ng pambansang kamao na nagkakahalaga ng P3.5-B ngunit hindi naman daw ito nagagamit.

Ayon kay Pacquiao ay walang katotohanan ang mga sinabing ito ni Quiboloy.

Dahil dito ay humihingi si Pacquiao ng P100-M mula sa kampo ni Quiboloy dahil sa sinira nito ang kanyang imahe.

“He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant.” saad Pacquiao sa reklamo.

“He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation.” dagdag niya pa.

Larawan mula sa DZRH News

Sa kanyang nakaraang paliwanag, sinabi ni Pacquiao na 300-500-M pesos lamang ang nagastos sa nasabing sports complex, malayo sa 3.5-B na sinasabi ng kanyang mga kritiko.

Mali rin daw ang mga kumakalat na litrato sa internet at sinabi na ang litrato at video ng isang sports complex na ibinahagi ng kanyang mga kritiko ay nandoon na sa Saranggani noon pang 90’s

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Pastor Quiboloy tungkol sa ginawang aksyon ni Pacquiao laban sa kanya.

Matatandaan na hinamon pa nga ng debate ni Quiboloy si Pacquiao para mapag usapan nila ang iba’t ibang isyu sa bansa kasama na dito ang kontrobersiyal na sports complex.