Home Entertainment Ex-Pbb housemate na si Lie Reposposa, labis na ipinahiya ng kanyang guro!

Ex-Pbb housemate na si Lie Reposposa, labis na ipinahiya ng kanyang guro!

Lungkot at pagkadismaya ang nanaig ngayon sa ex-Pbb housemate at dating tawag ng tanghalan contestant na si Lie Reposposa.

Dahil umano ito sa naging karanasan niya sa isang guro na sinisiraan siya sa kanilang GC o group chat.

Nag aaral si Lie sa ALS o Alternative Learning System. Ito ay upang mapagsabay niya ang kanyang pagtatrabaho at pag aaral.

Minsan ay nahuhuli na siya sa magpasa ng kanyang mga requirements na kailangan sa kanyang pag aaral dahil narin sa pagkaaligaga niya sa kanyang trabaho bilang isang artista.

Kung kaya’t hindi niya alam ang kanyang mararamdaman ng malaman niyang kung ano ano na palang hindi magagandang salita ang binitawan sa kanya ng kanyang di umano’y guro pati ng ibang mga estudyanteng kausap nito sa GC.

Nanghingi lamang siya ng tulong dahil akala nya ay ito ang makakatulong sa kanya ngunit pamamahiya ang lang ang natanngap niya. bukod pa rito ay pinagtawanan pa sya ng ilan na nasa GC.

Dahil sa sama ng loob ay hindi naiwasang ibahagi ni Lie ang mga screenshots ng usapan ng nasabing guro at mga kapwa estudyante sa nasabing GC.

Makikita sa screenshots na tinawag pa ng di umano’y guro si Lie na “feeling artista”

“Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis. Gusto ko lang naman pag sabayin yong pag aaral at pagtatrabaho. Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko at para din sa future kahit papano. Makapag tapos nako. kaso di talaga mawawala mga gantong tao na gagawa ng paraan para pag mukhain kang walang alam,” pahayag ni Lie.

Dagdag pa niya, “ Sige po kayo nalang matalino kasi nakapagpasa kayo ng module at portfolio ng buo e. Ako kasi di ko kaya magbayad ng malaki para bigyan ng pasang awa na grades. Salamat sa Acting Teacher jan. Godbless ang Panginoon na bahala sayo.” dag dag pa nito.

Panoorin ang video.