Home Entertainment Paolo Contis nagbigay muli ng pahayag ukol sa pag-stay nila sa Baguio...

Paolo Contis nagbigay muli ng pahayag ukol sa pag-stay nila sa Baguio ni Yen Santos

Muling nag-react si Paolo Contis sa isyu ng pagpunta nila ng Baguio ng aktres na si Yen Santos.

Sa text message na ipinadala niya kay Ogie Diaz, pinabulaanan ni Paolo Contis ang bali-balitang mahigit isang araw silang magkasama ni Yen Santos sa Baguio.

May banat din ang aktor sa mga tsismosang animo’y CCTV na nakatutok sa kanyang mga kaganapan.

“May mga nagsasabing limang araw daw sila sa Baguio, meron namang nasusulat na sampung araw sila sa Baguio. Ilang araw ba talaga si Paolo Contis at si Yen Santos sa Baguio?” tanong ni Tito Jegs sa vlog ni Ogie.

Ibinahagi naman ni Ogie ang naging sagot ni Paolo ukol dito. Saad umano ng aktor,

“Naloloka na rin ako, mare. Ang sabi nila 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila.

Pano mangyayari yun? August 28, nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, taping ako ng Dear Uge. So ano yun?

Inaaraw araw ko ang akyat panaog sa Baguio? Ano ‘to road trip every other day?’ Tsaka ang nakakaloka pa rito, ang daming paparazzi at ang daming curious sa everyday schedule of events ko.’”

“Nagtataka lang ako dahil ang daming nagpa-picture sakin nung August 28 na nagpabakuna ako sa Caloocan. Ba’t walang nag-post? Now is the best time na i-post niyo yun.

Napagbibintangan akong lima o sampung araw ako sa Baguio. Sayang walang CCTV nung nagpabakuna ako. Ikaw na bahala, mare, as a friend.”

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Paolo through Ogie Diaz:

Anong say mo dito?