Home Entertainment Mga netizen may ebidensya, pinabulaanan ang pahayag ni Paolo Contis na isang...

Mga netizen may ebidensya, pinabulaanan ang pahayag ni Paolo Contis na isang araw lang sila ni Yen Santos sa Baguio City

Talagang walang makakalusot sa mga mapagmatyag na mga netizens.

Naglabas na nga ng kanyang pahayag si Paolo Contis ukol sa mga isyung kinakaharap niya ngayon.

Sa kanyang Instagram ay isa isang sinagot ni Paolo ang mga intriga.

Pinabulaanan niya ang mga kumakalat na sinasaktan niya si LJ Reyes at ang mga anak nito.

Inamin din ni Paolo na minsan na siyang naging marupok at ikinakahiya umano niya ito. Itinanggi naman ni Paolo na ang aktres na si Yen Santos ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.

“She was never the reason of our breakup. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,” ani Paolo.

Sinabi naman ni Paolo na siya mismo ang nag-imbita kay Yen sa Baguio nang lumipad si LJ papuntang America.

Namalagi umano siya sa Baguio ng tatlong araw upang makapag-isip isip. At sa Norte lang din nakatira ang aktres kaya inimbitahan niya ito.

Isang araw lang daw silang nagkasama doon para lamang may makausap siya na kaibigan.

Ngunit taliwas sa sinabi ni Paolo na isang araw lang sila nagkasama ni Yen sa mga ebidensyang inilabas ng netizens.

Sa twitter ay isang netizen ang nagpost ng litrato nila Paolo at Yen sa isang kainan. Iba ang suot na damit ng mga ito sa mga naunang litrato at video na nagviral.

Ilang araw daw silang nakitang magkasama sa iba’t-ibang lugar at kainan sa Baguio.