Home Entertainment Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party

Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party

Buong pagpapakumbabang inamin ni Paolo Contis ang kanyang kamaliang nagawa sa dating karelasyon pagdating sa pagiging tapat dito. Inamin niyang naging marupok siya sa loob ng ilang taon na naging magkarelasyon sila ni LJ.

Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Gayunpaman aniya, hindi siya proud sa kanyang nagawa at ikinakahiya niya ito. Inihingi niya rin ito ng dispensa.

Ayon sa kanya, kaya siya hindi kaagad nagsalita ay dahil gusto na lamang niya manahimik at tinanggap na lamang niya ang mga pambabatikos.

Matatandaan ding mas pinili ni LJ na huwag nang magsalita nang tanungin siya ni Boy Abunda kung third party ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Marami ang humanga sa aktres dahil sa kabila ng kanyang sakit na naramdaman at dinanas, wala siyang sinabing masama laban kay Paolo.

Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng “Ang TV.” Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos sa kanya. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.