Home Entertainment Cristy Fermin binawi ang unang pahayag, kinumpirma ng sina Yen Santos at...

Cristy Fermin binawi ang unang pahayag, kinumpirma ng sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video



Taliwas sa nauna niyang pahayag, kinumpirma na ni Cristy Fermin. Na sina Paolo Contis at Yen Santos nga ang nasa viral video.

Matatandaan na nakaraang araw lamang ay nagviral at mga litrato at video ni Paolo Contis. Na may kasamang ibang babae sa Baguio at Manaog Church.

Noong una ay “mystery girl” ito pero kalaunan ay nakumpirmang si Yen Santos ang kanyang kasama.

Naging tampok naman ng usapin ang dalawang artista at pinutakte sila ng maraming netizens.

Kasunod nito ay ipinagtanggol naman ni Cristy Fermin sina Paolo at Yen. Sinabi ng batikang kolumnista na hindi sila ang nasa larawan at video.

Dahil aniya kilala niya ng personal ang dalawa at nakakasama niya ang mga ito. Malayo daw umano sa tindig ng nasa viral photos at video.

Agad namang binatikos ng netizens si Cristy Fermin dahil sa pahayg niyang ito. Nangalap pa nga ng ebidensya ang mga Marites para mapatunayan ang kanilang hinuha.

At ilang araw lang nakalipas, tila nagiba ang ihip ng hangin. Binawi na ni Cristy Fermin ang nauna niyang pahayag.

Kasunod nito ay kinumpirma niyang sina Paolo at Yen nga mismo ang magkasama at naglalambingan sa Baguio at Manaoag Church.


“Kumpirmado po. Yung lumabas na larawan ni Yen at tsaka ni Paolo na nagsimba po sa Manaog. Sila po talaga yun,” sabi ni Cristy


Ayon pa kay Cristy, sila rin daw ang mga personalidad na naispatang kumakain sa isang restaurant.

Dagdag pa niya, matapos raw magsimba nina Yen at Paolo ay nagkayayaang kumain raw ang mga ito sa restaurant.

Isiniwalat rin ni Cristy na matagal na umanong hiwalay sina Lj Reyes at Paolo bago ito mangyari.

Sa ngayon ay tikom parin ang bibig ni Yen Santos at Paolo Contis sa nasabing isyu.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin: