Home Entertainment Paolo Contis, hindi daw nagbibigay ng sustento sa mga anak niya ayon...

Paolo Contis, hindi daw nagbibigay ng sustento sa mga anak niya ayon kay Lian Paz: “Ako lang ang nagsumikap for them!”

Dahil sa gigil ng mga netizens kay Paolo Contis ay pati ang mga lumang isyu sa kanya ay hinalukay na at binuhay muli sa social media.

Isa na rito ang diumano’y hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak sa dating EB Babes dancer na si Lian Paz.

Noong 2018 ay ibinunyag ni Lian sa isa sa kanyang mga followers na hindi sila nakakatanggap ng suporta mula kay Paolo na naging karelasyon niya rin ng ilang taon at nagbunga ng dalawang supling.

Sa kanyang Instagram post noong November 19, 2018 ay ibinahagi ni Lian ang kanyang pagiging ‘proud mom’ sa kanyang mga anak kay Paolo.

Ibinahagi din nito na siya ang nagtaguyod sa kanyang mga anak mag isa noong nakipaghiwalay sa kanya si Paolo noong 2012.

“Most parents I meet in school and most people know that my children are financially supported but from the start I became a single mother, I stand for my kids alone and then, I was blessed with a partner who shouldered everything for us after,” ani Lian.

“I thank God for John, I thank John for loving my children,” she added. “It is the clear proof of his love for me. Xonia, Xalene and I have been through hell before we felt heaven and I am glad that we are here now.”

Hindi tuloy napigilan magbigay ng komento ng isang netizen at tinanong kung bakit tila may sama ng loob parin si Lian kay Paolo.

“Sana soon makita namin na maayos na kayo ni Paolo. Like the other couple na naghiwalay. Maayos sila ngayon with their own partner. Masarap kasi magbasa ng mga post ng mga pinafollow namin pag walang hate just love.” ani netizen klengklengusi.

Sinagot naman ito kagad ni Lian at sinabi na hindi naman niya binabatikos si Paolo.

Paliwanag niya ay ipinapakita niya lamang ang kanyang pasasalamat sa kanyang bagong partner na si John Cabahug na nagtaguyod sa kanila.

“If you’re going to read my post, I am in full appreciation with my partner John na naging katuwang ko sa pagpapalaki ng mga anak ko, pasalamat ako sa kaya ang mga anak ko ay honor sa School bec. it begins at home.” ani Lian.

“If they have good welfare at home, lalabas yan sa bata. Hindi po kami showbiz na mga tao lalo na po mga anak ko.

“For the longest time, people know and think suportado mga anak ko but the fact is no. Ako lang ang nagsikap for them until dumating si John,”

Hindi nagbigay ng tugon si Paolo sa mga pahayag ni Lian.

Noong 2019 naman ay sinabi ni Paolo na sana’y makita niya ang kanyang mga anak kay Lian at maipaliwanag ang kanyang panig.

“I believe that the day will come that I will be able to say my piece, but not to the public. Just to them, kasi kung meron mang kailangang eksplenasyon sa mga nangyari, sa kanila, kasi nadamay sila eh.” ani Paolo.

“They just have to know that I never stopped loving them regardless of whatever happened and hopefully one day I will be able to talk to them properly and explain my side.” dagdag niya pa.