Home Entertainment Viral na pulubi noon na si Berta, nagta-trabaho na ngayon bilang admin...

Viral na pulubi noon na si Berta, nagta-trabaho na ngayon bilang admin staff ng rehabilitation center na tumulong sa kanya

Maraming netizen ang nagulat at naantig sa kalagayan ngayon ng viral english-speaking na pulubi noon na si ‘Berta’.

Matatandaan na sumikat si Berta sa social media dahil sa kanyang galing sa pagsasalita ng ingles at sa mga linyahan niya.

Nakilala siya sa kanyang mga litanya na “Life is wonderful, life is precious and life is powerful,”

Mahigit 20 na taon naging palaboy laboy sa mga kalsada Cebu City si Berta at matapos siyang mag viral ay may taong tumulong sa kanya para dalhin sa Safehaven Addiction Treatment and Recovery Village.

Ngayon ay ibinahagi ng Safehaven ang kasalukuyang kalagayan ni Berta na ngayo’y nagta-trabaho na bilang kanilang Admin Staff.

“Who would have thought.. Was a street dweller for 20 plus years but now working as an Admin Staff for SafeHaven Addiction Treatment and Recovery Village.” sabi ng SafeHaven sa kanilang post.

Tinawag din si Berta na Ambassador of Hope ng nasabing rehabilitation center.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens dahil sa loob lamang ng ilang buwan ay nabigyan nila ng ikalawang pagkakataon sa Berta na makapamuhay ng normal.

“I adore to the people who helped him behind the scene.Thank you for not giving up on his life. You know who you are and I thank you for that. Chances are always there but oppurtunity are just once and it was resulted to a new hope to this person. Hoping for more about changing lives to others.” ani netizen Lrac Togi.

“There is always hope for everyone. Thanks to those kindhearted people and to Safe Haven. Salute!!!” sabi pa ni Dahl’z Ace.

Berta kasama ang isang staff ng SafeHaven

May ilang netizen naman ang nagsasabi na dapat ay ma-feature muli si Berta sa telebisyon upang magbigay inspirasyon sa mga tao.