Home Entertainment Antoinette at Tom Taus, agaw pansin ngayon matapos umani ng papuri mula...

Antoinette at Tom Taus, agaw pansin ngayon matapos umani ng papuri mula sa mga netizens sa kanilang gilas sa pagsasayaw

Isang nakakabilib at napakagandang dance performance ang ibinahagi ng dating aktres at mang-aawit na si Antoinette Taus kasama ang kaniyang kapatid na si Tom.

Credit: @antoinettetaus on Instagram

Si Antoinette ay isa sa mga mahuhusay na aktres noon sa industriya ng showbiz, na kinilala sa isang youth-oriented show noong 1992 na ‘Ang TV’ na isa sa mga inilabas na programa sa ABS-CBN network.

Samantalang, ang kaniyang kapatid naman na si Tom ay unang nakilala at hinangaan ng publiko bilang isang child star at batang aktor matapos gampanan ang karakter na si Cedie.

Credit: @antoinettetaus on Instagram

Makalipas nga ang ilang taon simula ng opisyal na inanunsyo ng aktres ang kaniyang permanenting pagtira sa Los Angeles, ay hindi naman rito natatapos ang magandang ugnayan na nabuo sa magkapatid.

At sa katunayan nga nito ay isang napakagandang relasyon ang namutawi sa dalawa, na tila nagsilbing magkasangga at magkaramay sa bawat magagandang kaganapan sa kanilang kani-kaniyang buhay.

Credit: @antoinettetaus on Instagram

“silent partner”, ganiyan nga ang naging role ni Tom sa kaniyang buhay, na kung saan ay labis itong pinasalamatan ni Antoinette sa ipinakita nitong kabutihan at pagmamahal para sa kaniya.

Aniya, “Through it all, I say it again and again, I wouldn’t be where I am today without you. Thank you for your never-ending incredible acts of love, kindness, patieeeeenncceee and sacrifice not just for me, but for so many others. Thank you for being my “silent partner” in everything in life.”

Credit: @antoinettetaus on Instagram

Kahit magkaiba man ang landas na kanilang tinatahak ngayon sa kanilang magkakahiwalay at magkakaibang trabaho, ay hindi naman naging hadlang ito para sa dalawa na bumuo ng isang magandang memories na magkasama.

Ayon sa naging caption ng dating aktres sa kanilang dance video, “Still can’t believe I managed to convince @TomTaus to do this with me — in #Seoul #Korea 🇰🇷 of all places! Haha”

Dagdag pa niya, “BACKSTORY (in case you’re interested): @TomTaus and I just both happened to be in Korea the same exact week for separate reasons pertaining our work — mine with @UNEP and @PlanetCORA for the 7th International Marine Debris Conference, and @TomTaus with @Ultra Music Festival!”

Credit: @antoinettetaus on Instagram

Ang kanilang dance video na ito ay hindi lamang pumukaw sa mga netizens kundi naghatid rin ng kakaibang saya para kay Tom, na ayon pa sa iniwang komento ng dating child star ay isa raw ito sa kaniyang “best memories” kasama ang kapatid.

Saad nito, “One of my best memories with you sis ❤️❤️❤️❤️”.

Komento naman ng mga netizens, “Coolest siblings…. from the 90s❤️❤️❤️”.

Credit: @antoinettetaus on Instagram

“Nice!!! Talented talaga… Cutie nyo tingnan 😍❤️”.

“Can’t get my eyes off you, Ms. Antoinette! 😍😍😍 Still looks very youthful 🥺✨❤️”