Home Entertainment Karla Estrada, Ibinunyag na May Sapat na Pera ang Anak na si...

Karla Estrada, Ibinunyag na May Sapat na Pera ang Anak na si Daniel Padilla Kahit hindi na Magtrabaho sa Edad na 35 at Kahit pa Hanggang Sa Magka-apo ito

Gwapo, may talento at mayaman, ganito nga ang taglay na katangian ng anak ng Magandang Buhay host na si Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla, na si Daniel Padilla.

Si Daniel Padilla o kilala rin sa pangalan bilang DJ ay tulad ng kanyang mga magulang na pinasok rin ang mundo ng showbiz. Sa murang edad nga ay nasilayan na ang talento at gwapong mukha ng aktor.

Photo credits: Daniel Padilla | Instagram

At ngayon ngang 25 taong gulang na si Daniel, ay mas lalo siyang nakilala ng publiko dahil bukod rin sa kanyang taglay na gwapong mukha at talento ay kahanga-hanga rin kabutihan ng kanyang kalooban. Isa nga si Daniel sa hinahangaan ng publiko ngayon sa industriya ng showbiz.

Samantala, kamakailan lamang sa vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, ay nakakwentuhan nito ang ina ni Daniel na si Karla Estrada. Sa kanilang pag-uusap, ay may ibinunyag si Karla patungkol kay Daniel. Ito ay kung gaano kalaki ang naipong pera ng anak kahit hindi ito magtrabaho sa edad na 35 hanggang sa magka-apo ito.

Photo credits: Daniel Padilla | Instagram

Bilang ina ni Daniel, ay si Karla ang humahawak ng perang kinikita ng kanyang anak mula sa trabaho. Ayon nga kay Karla, ay may sapat na ipon na si Daniel.

“Oo, meron naman siyang savings niya na, he’s good. At 35, he’s good. Kahit hindi na siya magtrabaho hanggang apo niya, nagtabi na tayo.”

Pagbabahagi naman ni Karla, ay hindi umano mahilig humingi ng pera si Daniel, ngunit kapag humingi naman ito, ay sadyang nakakagulat umano ng halagang hinihingi nito sa laki. At ang madalas at pinakamalaking pinaggagastusan nito ay ang pagbili ng mga mamahaling sasakyan.

“Hindi siya humihingi, pero pag humingi siya, mababa ang ano kaya kumapit ka na sa pader.”

Paglilinaw naman ni Karla, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pinagbibigyan niya ang kahilingan ng anak. Dahil, bilang isang ina ay pinapayuhan niya rin ito kung dapat bang bilhin ang bagay na nais nito.

“I sometimes say no. Kasi parang, ‘Anak, alamin mo muna kung maganda bang klase iyan.’ Binibigyan ko siya ng ano.”

Photo credits: Karla Estrada | Instagram

At ngayon nga, upang malaman umano ni Daniel ang kahalagahan ng bawat salaping kinikita nito, ay plano ni Karla na ipahawak na sa anak ang sarili nitong pera. Sa ganitong paraan ay matuto at mararamdaman umano ni Daniel ang pakiramdam sa tuwing makikita kung gaano kalaki ang perang nababawas sa savings nito.

“Ngayon ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng pera niya. Para maramdaman niya ‘yung feeling na ‘pag nahawakan niya, ‘tapos babawasan niya ng ganito kalaki, mararamdaman niya ‘yung feeling na ‘Hay, sayang.”

Dagdag pa nga ni Karla, kaya madali para sa anak ang kumuha ng pera sa savings nito, ay hindi umano ito ang humahawak ng pera.

“Hindi niya kasi hawak kaya easy for him to say, ‘O, Ma, bayaran mo ‘to. O, Ma, may kukunin ako dito.”

Photo credits: Daniel Padilla | Instagram

Ngayong 25 na taong gulang na si Daniel, na may sapat na pera, ay tiyak naman na mas malaki pa ang kikitain niya sa susunod na mga taon gamit ang kanyang sariling talento at kakayahan sa showbiz. Tiyak rin na kapag siya na ang humawak ng sariling pera ay matututunan na niya ang tamang pagba-budget sa perang kanyang kinikita.