Home Entertainment Jonalyn Galleno, itinanggi na nanghihingi sila ng donasyon para sa ikatlong DNA...

Jonalyn Galleno, itinanggi na nanghihingi sila ng donasyon para sa ikatlong DNA test

Pinabulaan ng pamilya Galleno na nanghihingi sila ng donasyon mula sa mg netizens para sa ikatlong DNA test sa pinaniniwalaang buto ni Jovelyn Galleno.

Sa kanilang pahayag, nilinaw ng pamilya Galleno na hindi sila humihingi ng kahit anong halaga mula sa kahit sinuman at wala silang balak na pagkakitaan ang simpatya ng tao sa kanila.

Matatandaan na dalawang DNA test na ang nagkumpirma na si Jovelyn ang buto na nakita sa Barangay Sta. Lourdes kaya naman inihahanda na nila ang paglalamay dito.

Inihahanda narin nila ang pagsasampa ng reklamo laban kay Leobert Dasmariñas.

“Galleno family wanted to inform everyone, na ang aming pamilya ay hindi humingi ng tulong at anumang hinihingi sainyo lalo na tungkol sa pera ay hindi namin alam, wag po tayo basta maniwala lalo na kung hindi nanggaling mula sa aming pamilya, tinatanggap na namin ang resulta ng DNA test na inilabas ng PNP at NBI manila.” sabi ni Jocelyn.

“We don’t have any Communication kung kanino man ang aming inaasikaso sa ngayon ay ang gaganaping burol at ang kaso laban kay Leobert Dasmariñas para magkaron ng justice ang nangyare.” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat naman sila sa mga tumulong sa kanila sa gitna ng paghahanap nila kay Jovelyn at sinabi na nirerespeto nila ang naging resulta ng imbestigasyon.

“We are so grateful that many of you are willing to help us, even in financial. We’ve deeply appreciate you guys, and this is the reason why we wanted to clarify na wla po kaming agreement for collecting donations to have 3rd DNA test, we don’t want any of you to be used, and give money for nothing.” paliwanag nila.

Nakiusap din ang pamilya Galleno na sana’y huwag ng gamitin ang kanilang pamilya.

Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo ng pamilya Galleno kung bubuksan ba nila sa publiko ang lamay ni Jovelyn.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps