Home Entertainment Jay Sonza, ibinunyag ang planong pabanguhin si Raffy Tulfo para sa 2028

Jay Sonza, ibinunyag ang planong pabanguhin si Raffy Tulfo para sa 2028

Ibinunyag ng mamamahayag na si Jay Sonza ang diumano’y plano na pabanguhin ang pangalan ni Senador Raffy Tulfo para sa 2028 presidential elections.

Ito’y sa gitna ng pambabatikos na ginagawa ng kapatid ng senador na si Mon Tulfo laban kay Vice President Sara Duterte na posibleng tumakbo rin sa pinakamataas na posisyon sa susunod na anim na taon.

Sa kanyang Facebook post, tinawag ni Sonza na “Oplan: Todo Ambisyon.” ang nasabing plano para pataasin pa lalo ang popularidad ni Tulfo.

“ROAD TO 2028. “Oplan: Todo Ambisyon.” Pabanguhin ng husto si Raffy Tulfo. Siraan si Inday Sara Duterte ng dahan-dahan.” ani Sonza.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa sinabi ni Sonza.

“No comparison talaga…Sara has proven her worth as a local executive even before she became vp and DepEd secretary…Tulfo on the other hand has only his tv show which borders on being a “maritess” to show for it. No way I would consider him. This early it’s Sara for me with Sandro perhaps as VP.” sabi ni netizen Beth Yamsuan.

Wala pang sagot ang kampo ni Tulfo kung may balak ba ang senador na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang pagpuna ni Mr. Mon sa confidential fund ni Duterte.

READ MORE: Tulfo, pinuna ang confidential fund ni Sara Duterte: “Is there a limit to her appetite for money and power?”

Dahil dito ay inakusahan ng ilang netizens ang mamamahayag na sinisiraan ang bise upang magkaroon ng lamang ang kanyang kapatid kung sakali man na tapatan niya si Duterte sa 2028.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps