Home Entertainment Abogado ni Deniece Cornejo, balak kasuhan ang asawa ni Vhong Navarro

Abogado ni Deniece Cornejo, balak kasuhan ang asawa ni Vhong Navarro

nihahanda na ng kampo ni Deniece Cornejo ang pagsasampa ng bagong reklamo laban sa asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro at abogado ng aktor na si Atty. Alma Mallonga.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Atty. Ferdinand Topacio ang kanyang plano na pagsasampa ng ‘contempt charges’ laban sa dalawa dahil sa diumano’y idinadaan nila sa trial by publicity ang kaso.

“Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro’s wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!” ani Topacio.

Matatandaan na nagsalita sa media nitong Septyembre 21 si Bautista sa media upang ipagtanggol ang kanyang asawa mula sa mga akusasyon laban sa kanya.

Nag-aalala rin ito sa magiging kaligtasan ng kanyang asawa kung sakali na ilipat na ito sa BJMP sa Taguig City.

READ MORE: Misis ni Vhong Navarro, inamin na ‘pambababae’ ang naging kasalanan ng aktor sa kanya: “Pero pinatawad ko siya”

Sagot naman ni Topacio ay wala sa kanila ang desisyon kung ililipat ba si Navarro sa BJMP.

“It’s not up to me or to Vhong’s wife, but we must follow the legal procedures,” ani Topacio.

Ipinaliwanag ng abogado na nararapat lamang na ilipat sa BJMP sa Taguig si Navarro dahil doon didingin ang kaso niya.

Hindi rin pagpapakita ng respeto ang ginagawa ni Bautista dahil tila pinapalabas nito na hindi ligtas ang BJMP.

“Mr. Navarro’s wife is just making excuses to give her husband special treatment. But there must be equal treatment under the law,” sabi pa ni Topacio.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Navarro sa balak sa kanila ni Topacio.

Kasalukuyan paring nasa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro habang hinihintay ang desisyon kung ililipat ba siya sa kustodiya ng BJMP.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps