Home Entertainment Valentine Rosales, hinusgahan si Dennis Padilla: “Napaka Toxic ni Dennis kaya siguro...

Valentine Rosales, hinusgahan si Dennis Padilla: “Napaka Toxic ni Dennis kaya siguro malayo mga anak niya!”

Hinusgahan ng internet celebrity na si Valentine Rosales ang komedyante na si Dennis Padilla at tinawag itong ‘toxic’.

Ito’y sa gitna ng alitan ni Dennis at ng anak nito na si Julia Barretto na matatandaang nag-umpisa sa panayam ni Karen Davila sa aktres.

Isa si Valentine sa mga nagbigay ng kanyang opinyon sa kung sino nga ba ang mayroong pagkakamali sa pagitan ni Dennis at Julia.

Ayon sa internet celebrity ay mas mainam na hindi na ungkatin pa ni Dennis ang usapin tungkol sa pamilya nila sa social media.

“Sir Dennis, do you know the more you’re doing this what I mean is publicizing your own family problems and sharing it to social media will only do more harm than good,” ani Valentine.

“Imbis na mapalapit sayo mga anak mo the more na they will resent you. Family matters are to be handled privately and I don’t see the point of posting all of this online,” dagdag niya pa.

Mas mainam diumano na irespeto na lang ni Dennis ang desisyon ng kanyang mga anak na lumayo sa kanya.

Sa isa pang post tila mas naging maanghang naman ang mensahe ni Valentine.

“Wala naman masamang sinabi si Julia sa Interview sakanya ni Karen Davila, OA kung maka react to si Dennis binastos daw siya??? Ang sinabi lang naman ni Julia niya she’s healing!” sabi ng internet celebrity.

“Napaka Toxic ni Dennis kaya siguro malayo mga anak niya sakanya kasi imbis na mahalin niya mga anak niya pride niya ang inuuna niya, tapos ngayon sinusumbat niya lahat ng ginawa niya para sakanila, eh aba! Responsibilidad mo yun bilang tatay! Ano pinanganak mo tapos di mo aalagaan! Ngayon malayo loob ng mga bata sayo kasalanan mo dahil nung mga panahon na kailangan nila ng isang magulang wala ka,” dagdag pa niya.

Si Valentine ay ang isa sa mga kaibigan ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera.

Matatandaan na isa rin ang internet celebrity sa mga nakasuhan dahil sa kasama siya noong araw na pumanaw ang flight attendant.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps