Home Entertainment Misis ni Vhong Navarro, inamin na ‘pambababae’ ang naging kasalanan ng aktor...

Misis ni Vhong Navarro, inamin na ‘pambababae’ ang naging kasalanan ng aktor sa kanya: “Pero pinatawad ko siya”

Emosyonal na hinarap ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista ang media sa gitna ng nangyayari ngayon sa kaso ng aktor.

Sa panayam sa kanya, sinabi niya na hindi niya maitago ang kanyang kalungkutan ngayong wala ng kalayaan ang kanyang asawa na humaharap ngayon sa patong patong na reklamo.

Naniniwala si Bautista na sa kanya lamang mayroong kasalanan si Vhong at inamin naman ito ng aktor sa kanya.

“Ang gusto ko lang sabihin, alam naman nila kung ano ang totoo. Alam nila, so sa akin may kasalanan si Vhong, sa akin. Inamin niya iyon mula noon. So, sa akin siya may atraso. Pinatawad ko iyong tao and for the last eight years bumabawi siya.” aniya.

“We got married ‘yun ‘yung ano, akala ko ‘yung eights years na iyon na parang tapos na iyong kaso, nagpakasal pa kami, sobrang importante niyon sa akin kasi bumabawi siya and then this happened,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay ang ‘pambababae’ noon ni Vhong ang kasalanan ng aktor sa kanya.

“So may galit, kasi nambabae, pero naaawa ka sa kanya at you don’t deserved it. Iyon ang nakikita mong situation. Tapos hindi mo siya iiwan at that point. So ang iyak mo roon halong galit at frustration.” sabi ni Bautista.

Samantala ay nag-aalala din siya sa posibleng maging kaligtasan ng kanyang asawa kung sakali na ilipat siya sa Taguig City Jail.

Sa ngayon ay nasa kustodiya parin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro kung saan ay mas bantay siya doon at wala siyang kasama sa loob ng selda.