Home Entertainment Silipin Ang Naggagandahang Indoor Plants Ni Pauleen Luna Sa Loob Ng Kanilang...

Silipin Ang Naggagandahang Indoor Plants Ni Pauleen Luna Sa Loob Ng Kanilang Tahanan

Sa pagdating ng pandemya ay mas mahabang oras tayong nananatili sa loob ng ating mga tahanan dahil sa pinatupad na Enhanced Community Quarantine. At sa mga panahong ito, ay naghanap tayo mapaglilibangan katulad na lamang nga ng pag-aalaga ng iba’t ibang klase ng halaman.

Marami nga sa atin ang naging certified plantita at plantito na kung saan ay nagkaroon ng koleksyon ng iba’t ibang klase ng halaman. At kabilang na nga rito ang maybahay ng komedyante at TV host ma si Vic Sotto na si Pauleen Luna.

Hindi naman na nakapagtataka kung mahilig talaga si Pauleen sa mga indoors plants. Makikita nga sa kanyang Instagram account, ang ilang kuha ng larawan kung saan masisilayan ang ganda ng kanyang indoor plants. Ang nagsisilbing tahanan ng mag-asawang Pauleen at Bossing kasama ang kanilang anak na si Tali, ay makikita nga na napapalamutian ng magaganda at naglalakihang indoor plants.

Ilan lamang sa mga indoor plants na masisilayan sa loob ng kanilang tahanan na nagsisilbi na ring dekorasyon ay fiddle leaf fig tree, snake plant, Snow White at marami pang iba. Sa larawan nga kung saan kasama niya ang kanyang mga indoor plants, ay makikita ang masayang kngiti ni Pauleen.

Makikita rin na may isa pang mas malaking fiddle fig tree si Pauleen sa loob ng kanilang tahanan. Napakaganda ring pagmasdan ng kanyang Zz plant.

Hindi lamang nga sa living room ng kanilang tahanan makikita ang naggagandahang indoor plants ni Pauleen, dahil maging sa kusina ng kanilang tahanan ay may naka-display ring indoor plants.

Photo credits: Pauleen Luna | IG

Makikita nga rito ang isang pothos na nakapatong sa counter at sa kabilang bahagi naman nito ay isang munting palm tree. Hindi naman mahirap alagaan ang pothos, na kahit nga hindi man gaanong naaarawan, ay hindi naman ito malalanta. Low-maintenance lang ang pothos, na kung saan ay kaunting sikat ng araw ang kailangan at hindi rin kailangan ng madalas na pagdidilig.

Photo credits: Pauleen Luna | IG

Sa isang sulok naman ng kanilang living room ay makikita ang isang mataas na rubber tree. Napakagandang pagmasdan ng nasabing halaman, na talagang bumagay sa disenyo ng bahay nina Pauleen.

Si Pauleen Luna-Sotto ay kilalang aktres at TV host ng long-running Philippine variety show na Eat Bulaga. Samantala, noong 2011 naman nang magsimula ang relasyon nila ni Vic Sotto na kanilang kinumpirma noong 2013. Ang kanilang pagmamahalan naman ay tuluyang nauwi sa pag-iisang dibdib noong January 30, 2016 na naganap sa Ayala Alabang, Muntinlupa matapos ma-engaged noong 2015.

Sa ngayon, ay masayang nagsasama ang mag-asawang Pauleen at Vic kapiling ang kanilang anak na si Tali na isinilang ng aktres noong November 6, 2017.