Home Entertainment Darryl Yap, hinamon si Vince Tañada ilabas ang totoong kinita ng ‘Katips’:...

Darryl Yap, hinamon si Vince Tañada ilabas ang totoong kinita ng ‘Katips’: “Explain why you joked about 41.8M,”

Hinamon ng direktor ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap ang direktor ng ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada na ilabas ang totoong kinita ng kanyang pelikula.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Yap na kung talagang nilalabanan ni Tañada ang maling mga impormasyon na kumakalat sa internet ay dapat nitong ilabas ang kinita ng Katips.

“For the sake of honesty and for your cause to fight disinformation, I challenge Vince Tanada to disclose the real numbers of his films’ gross.” ani Yap.

“Explain why you joked about 41.8M for your opening day and why you enjoy the fake news of 198M as your total gross to date.” dagdag pa niya.

Matatandaan kasi na nagbiro si Tañada na 41.8-M pesos ang kinita ng kanyang pelikula sa unang araw nito na pinaniwalaan naman ng mga kilalang personalidad katulad ni P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon.

Ngunit sa huli ay binawi rin ni Tañada ito at sinabi na nagbibiro lamang siya.

Samantala ay kumalat din ang isa pang impormasyon tungkol sa diumano’y kinita ng Katips sa loob lamang ng apat na araw kung saan ay nakakuha daw ito ng 198-M pesos.

Ito’y kahit nakikita ng ilang netizens na lamang talaga sa takilya ang Maid in Malacañang.

Wala pang sagot si Tañada sa hamon ni Yap.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps