Home Entertainment Dating Seksi Actress na Si Anjanette Abayari, Aktibo Bilang Isang Christian sa...

Dating Seksi Actress na Si Anjanette Abayari, Aktibo Bilang Isang Christian sa Amerika Nagbalik-tanaw sa Matinding Pagsubok na Pinagdaanan sa Kanyang Buhay

Minsan ang pagsubok na nararanasan ng tao sa kanyang buhay ang nagiging dahilan upang sa huli ay magbalik loob siya sa Diyos at makita ng kapayapaan sa kanyang buhay ganito ang naging buhay ng dating sexy star at gumanap na Darna noon na si Anjanette Abayari.

Photo credits: Anjanette Abayari |FB | IG

Natatandaan niyo pa ba ang dating beauty queen at sexy actress na si Anjanette Abayari? Siya ay sumikat noong dekada 90 sa mundo ng showbiz, kung saan unang sabak pa lamang niya sa pag-aartista ay agad ng naging maingay ang kanyang pangalan at nakamit niya ang kasikatan.

Taong 1991 naging laman ng isang malaking balita sa mundo ng showbiz at pageant industry si Anjanette, ito ay matapos niyang hirangin bilang Bb. Pilipinas-Universe ngunit na-dethrone siya dahil sa isyu ng kanyang citizenship.

Photo credits: Anjanette Abayari |FB | IG

Sa kanyang buhay artista naman, isa sa malaking proyeto na kanyang ginawa noong kasagsagan ng kasikatan niya ay ang gampanan niya ang Pinay Iconic Superhero na “Darna” na ipinalabas noong taong 1994. Naging leading lady siya ng ilang mga action star at maging ng yumao ng Comedy King na si Dolphy.

Ayon kay Anjanette na isang Filipino-American, sa mahigit pitong taon niya sa mundo ng showbiz sa PIilipinas ay nasa 30-pelikula din ang kanyan nagawa.

Photo credits: Anjanette Abayari |FB |IG

Kamakailan lamang ay nakasama si Anjanette ng dati ring aktres na si Cristina Gonzales-Romualdez sa vlog nito, at dito ay muling inalala ng dating sexy star ang buhay niya noon sa showbiz.

“Because my whole intent was just to go and work. I wasn’t anywhere near my family. It was just me there alone. I wanted to just not have any time to miss them,” pag-alala ni Anjanette.

Sa nasabing panayam din kay Anjanette, ay diretsahan din niyang ibinahagi na totoong naligaw siya ng kandas noong siya’y nasa showbiz pa. Saad pa niya, mali-mali ang napili niyang lalaki noon at sa mundo ng showbiz ay tunay namang maraming temptasyon, at bilang isa lamang tao ay hindi niya naiwasan na magkaroon ng maling desisyon sa kanyang buhay.

Photo credits: Anjanette Abayari |FB |IG

“Life happens and then we kind of drift apart from Him…in and out, in and out.”
Pagpapatuloy pa niya, “Showbiz is the world. The temptations of the world get to us. We’re only humans. We all fall short. So that’s what happened. I was more about pride and myself and all just… everything was just me, me, me.”

Samantala, isa pa sa mga hinding-hindi malilimutan ni Anjanette na iskandalo na kanyang kinaharap sa buhay niya ay ang pangyayari noong buwan ng Oktubre taong 1999 nang siya ay magtungo sa Guam.

Matatandaan na naging laman siya muli ng balita, ito ay matapos siyang mahulihan sa Guam airport ng paraphernalia, dahilan pa ma-blacklist siya sa immigration bureu ng Guam kasabay pa ng pagdeklara ng persona non grata sa Pilipinas.

Photo credits: Anjanette Abayari |FB | IG

Sa interview noon ay matatandaan na pinanindigan ng dating sexy star na ang mga drug paraphernalia na nasabat sa kanya ay hindi kanya. Dagdag pa niya, talagang hiyang-hiya siya noon.

Masaya namang ibinahagi ni Anjanette na ngayon ay maayos na maayos na muli ang kanyag buhay at naninirahan siya sa Los Angeles, California kasama ang dalawa niyang anak sa dating karelasyon.

Ibinahagi din niya na ang kanyang asawa ngayon na si Gary Pangan ay isang pastor, at ito ang tumulong sa kanya upang mas maging malapit sa Diyos dahilan para tuluyang napabuti ang kanyang buhay.

Photo credits: Anjanette Abayari |FB | IG

Mensahe naman niya sa lahat, ang relasyon at pananampalataya sa Diyos ang isa sa mga pinakamahalaga sa buhay ng isang tao, at ito ay base na rin sa naging karanasan niya sa buhay.

“Somebody who believes in and trust and respects and loves God. It’s the most important thing, because everything else will follow. Seek first the kingdom and all those things will happen,” aniya.