Home Entertainment RR Enriquez kay Jaime Fabregas na kontra sa ROTC: “Hindi po tayo...

RR Enriquez kay Jaime Fabregas na kontra sa ROTC: “Hindi po tayo katulad ni Cardo na hindi mamatay matay”

Nagsulat ng isang open letter ang tinaguriang ‘sawsawera queen’ at dating Wowowee dancer na si RR Enriquez sa Ang Probinsyano actor na si Jaime Fabregas.

Ito’y matapos magpakita ng pagkontra si Fabregas sa isinusulong na mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kasi kay Fabregas ay sapat na turuan na lamang ang mga kabataan na mahalin ang kanilang bayan at siguradong ipagtatanggol narin nila ang bansa.

“Teach the children to love their country and you won’t need to send them to ROTC! They will defend her with everything they have!” ani Fabregas.

Pero tanong ni Enriquez ay paano madedepensahan ng mga kabataan ang bayan kung hindi sila marunong na lumaban.

Excuse me Sir!! I agree with you by teaching children to love your country. But loving your country is not enough… If you don’t know how to fight how can you defend your country??” paumpisa ni Enriquez.

“In the bible ang mga bata at the age of 12 (if I’m not mistaken tinuturuan na sila) And I believe even until now mandatory yan sa Israel.. If magkaroon ng gyera your love won’t defend you… And hindi porket walang gulo or walang gyera sa ngayon. Magpapaka complacent na tayo.” dagdag niya pa.

Naniniwala si Enriquez na mas mainam na mag-ala “langgam mentality” ang bansa kung saan ay hindi pa man bumabagyo ay nakahanda na ang mga kailangan nila.

Iba rin daw ang realidad kaysa sa ‘Ang Probinsyano’ kung saan ang bida na si Cardo na ginagampanan ni Coco Martin ay hindi masupil supil ng kanilang mga kalaban.

“Hindi po tayo katulad ni Cardo na hindi mamatay matay.. Ibalhin po natin ang pelikula na madalas ginagawa nyo na hindi kayo mamatay matay…” sabi pa ng dating dancer.

Wala pang sagot si Fabregas sa mensahe sa kanya ni Enriquez.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps