Home Entertainment Pelikulang Maid in Malacañang, magkakaroon ng sequel na tungkol naman kay Ninoy...

Pelikulang Maid in Malacañang, magkakaroon ng sequel na tungkol naman kay Ninoy Aquino

Ibinunyag ng direktor na si Darryl Yap na magkakaroon pa ng sequel ang pelikulang Maid in Malacañang.

Sa panayam sa kanya ni Coach Jarret nitong Agosto 5, 2022 ay ibinunyag ni Yap na iikot ang mga susunod niyang pelikula tungkol sa tunggalian sa pagitan ng mga Marcos at ni dating senador Ninoy Aquino.

Dito daw makikita kung paano hinarap ng pamilya Marcos ang nangyaring asasinasyon kay Aquino sa Manila International Airport.

Ayon kay Yap ay ang nangyari kay Aquino ang pinakamatinding akusasyon na kinaharap ng pamilya Marcos at ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng People Power.

“It’s one of the heaviest accusations that they ever received—that they have killed Ninoy Aquino that time. And I want to present why the people should believe them that it’s not them. I will start by asking about the film, if your father died, if your husband died, there should be a fire within you to solve it, as a good son and a good wife.” ani Yap.

“So why is it until now, that the mother or the wife, is now gone, the son is also gone, the justice for the father is not yet given?” dagdag niya pa.

Ibabahagi naman niya kagad sa social media ang gaganap bilang Ninoy Aquino kapag pumayag na ang aktor na kanyang napupusuan na gumanap dito.

Malaki naman ang tsansa na bumalik ang mga cast ng Maid in Malacañang sa susunod na pelikula kasama na si Giselle Sanchez na gumanap bilang Cory Aquino.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps