Home Entertainment Angeline Quinto, binili lahat ng nasa menu nang magpunta sila sa isang...

Angeline Quinto, binili lahat ng nasa menu nang magpunta sila sa isang kilalang fast food chain

Pagdating nga sa usaping pagkain ay tiyak na marami sa atin ang maraming makapagbibigay ng mga lugar dito sa Pilipinas, na mayroong masasarap na pagkain na siyang ating kinahuhumalingan o ‘di naman kaya ay kinahihiligan.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto ay binisita ang isa sa mga pinag-uusapang restaurant ngayon sa social media, matapos mag-viral sa Twitter ang litrato ng isang netizen na kuha mismo sa kanyang kinakainan na “Tropical Hut” na kung saan ay kanyang ibinahagi na siya lamang ang customer nito.

Dahil dito ay marami nga sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga masasaya at hindi malilimutang karanasan rito, na siyang naging daan naman upang maibalik ang dating sigla at buhay ng naturang restaurant dahil sa pagdagsa ng kanilang mga customers.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman simula ng makita ni Angge ang viral post na ito ng isang netizen ay hindi na nagdalawang isip pa ang singer na bisitahin ang favorite restaurant ng kanyang Mama Bob, ang Tropical Hut branch sa Panay Avenue corner scout Borromeo malapit sa ABS-CBN.

Kwento ng singer, “Kaya kami nandito kasi parang nung mga 2 days ago or 3 days ago, may nakita akong post sa Twitter na may picture na nasa isang branch siya ng Tropical Hut, sa may Escolta ‘to e. Tapos nalungkot ako kasi yung post niya, mag-isa lang siyang kumakain doon sa Tropical Hut.”

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa kanyang pagpasok sa loob ay dito na nga ginawa ni Angge kasama ang kanyang mga kaibigan at non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, ang kanyang challenge na bilhin ang lahat ng nasa menu ng naturang restaurant, na siya namang ikinabigla rin ng cashier dahilan upang matuwa ang mga staff nito.

Aniya, “Hi, Ate Maricel, oorderin namin lahat nung nasa menu niyo. Oorderin namin lahat.”

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Hindi kataka-takang sa ginawa na ito ni Angge ay maging ang mga staff doon ay kanya ring napasaya at ayon pa nga sa kanila, “Ma’am, natanggal ang pagod namin Ma’am.”

Sa pagbabalik tanaw ni Angge ang burger raw ang siyang isa sa mga pinakapaboritong pagkain umano ng kanyang Mama Bob, na ayon pa sa kanya ay ito raw lagi ang request ng kanyang ina sa tuwing siya ay uuwi ng kanilang bahay.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “Ang Tropical Burger, alam ko ‘yun yung pinakamasarap dito e. Kay Mama Bob ko ‘yan natutunan. Actually, ang Mama Bob mga ka-Twinkle, favorite niya ang Tropical Hut noon pa.”

Dagdag pa niya, “So sabi ko, since ako personally talagang nasasarapan ako sa burger ng Tropical Hut kasi nga dahil kay Mama Bob. Favorite ng Mama ko ang Tropical Hut. Every time na uuwi ako dito, ‘pag alam niyang babalik ako agad ng bahay, wala ‘yang ibang [hinihingi] sa akin kundi hamburger.”

Muling binalikan rin ng singer ang mga ala-ala noong siya ay nagsisimula pa lamang sa mundo ng showbiz.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ang lugar nga na kanilang kinainan ang siyang lugar rin na kung saan ay nagsisimula pa lamang ang kanyang journey sa Star Power ng ABS-CBN, na kung saan siya rin ang itinanghal na nagwagi sa naturang kompetisyon.

“Yung lugar na ‘to mga ka-Twinkle, yung paradahan ng mga tricycle diyan sa labas nung nag-aaudition ako sa Star Power, diyan ako bumababa. Kasi nagtatanong ako sa mga tricycle driver kung saan papuntang ABS-CBN dahil hindi ko alam kung saan papunta ang ABS noon,” saad nito.