Home Entertainment Ivana Alawi Inaming Naging Sugar Mommy sa Kanyang Ex-Boyfriend Noon “Ako taga-gas...

Ivana Alawi Inaming Naging Sugar Mommy sa Kanyang Ex-Boyfriend Noon “Ako taga-gas niya, taga-date, Akala ko kasi gano’n kapag mahal mo”

Hindi natin maitatangi na sa buhay natin ay mararanasan natin ang magkamali, lalo na sa kabataan natin na akala natin lahat ng ginagawa natin ay tama.

Katulad nalang ng aktres na si Ivana Alawi, na inamin sa naging conversation nila ni Doktora Vicki Belo at kapatid na si mona na ipinalabas sa youtube channel ni Dok Belo na dati umano ay naging sugar mommy siya sa kanyang ex-girlfriend.

Sa ipinalabas na youtube video ni Dok Belo na pinamagatan niyang “Ang mga lalaki sa buhay ni Ivana Alawi” pinagusapan nila dito ang mga naging past relationship ni Ivana at ang kanyang mga naging experience sa kanyang mga past boyfriend.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Ibinahagi ni Ivana na, akala niya noon na normal lang sa nagdadate ang naging setup nila ng kaniyang ex-boyfriend kung saan binibigyan lagi ni Ivana ang kanyang ex ng pera pang gas at pagkain.

Ang buong akala daw talaga ni Ivana noon na kapag mahal mo ay okay lang na bigyan mo ito ng pera,

“Ako taga-gas niya, taga-date… Akala ko kasi gano’n kapag mahal mo,”

Ang hindi alam ni Ivana na ginagamit lamang pala siya ng kanyang ex upang perahan. Ibinahagi nito na pagkatapos ng kanilang graduation ay bigla nalang itong naglaho na parang bula ng wala man lang pasabi at hindi na nagparamdam.

“After graduation, bigla siyang nawala. Sabi ko, ‘Ang galing ha. Pinag-gas lang niya ako nang pinag-gas tapos lahat ng ulam, [ang nagbayad] ako,’”

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Makalipas ang dalawang taon, ay nagkaroon ulit ng boyfriend si Ivana sa edad na 19 years old at ang ikinagulat ni Dok Belo at kapatid na Mona ay ng sabihin ni Ivana na naulit muli ang nangyari sakanya kung saan naloko ulit siya. Napatawa naman ang doktora at ang kapatid ni Ivana at sinabing,

“Two years lang, naloko ka ulit?”

Naging masaya naman ang kanilang usapan, ngunit sa bandang huli ay naging emosyonal si Ivana at si Mona. Pagbabahagi ni Ivana na ang tanging nagpapaiyak lang lagi sakanya ay ang kapatid na si Mona, dahil ayaw niya itong mawala sakanya kahit ano pa ang mangyari.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Samantala hiling naman ni Mona para sakanyang ate na mahanap nito ang right guy para sakanya kung saan mamahalin siya at aalagaan. Pangarap din ni mona para sakanyang ate Ivana na magkaroon ito ng malaking pamilya dahil alam niyang magiging mabuting ina ito sa mga magiging anak niya. Gusto lang ni mona ang best para sakanyang ate dahil ito umano ang deserve ni Ivana.

Photo credits: Vicki Belo | Youtube

Hindi naman napigilan ni Ivana ang maiyak ng sobra. Nang tanongin naman ni Dok Belo si Ivana kung paano daw kapag nag-asawa na si Ivana hihiwalay na daw siya ng bahay kay mona. Ang sagot naman ni Ivana ay bibisita daw si mona araw-araw sa kanilang bahay.