Home Entertainment Tingnan Ang Napakagandang Modern Tree House Na Ginawa Ng Isang Ama Sa...

Tingnan Ang Napakagandang Modern Tree House Na Ginawa Ng Isang Ama Sa Loob Lamang Ng Dalawang Buwan

Ngayong panahon nga ng pandemya ay naging abala ang karamihan sa atin habang tayo’y nasa loob ng ating mga tahanan. Kung ang ilan ay piniling magnegosyo, may ilan rin namang pinagtuunan ang pagpapagawa ng bahay, at iba pa ngang proyekto katulad na lamang ng paggawa ng tree house.

Photo Credits| Gbong Suniga | FB

Naisipan nga ng Civil Engineer na si Gbong Suniga na gumawa ng isang tree house sa puno ng acasia para magsilbing tambayan nila ng kanyang anak. Napakasarap naman talagang magrelaks sa isang tree house. Mabuti na lamang nga, ay nakakita ng perpektong lokasyon si Gbong sa kanilang lupain sa Tarlac kung saan niya itatayo ang tree house.

Sa tulong nga ng kanyang sariling kakayahan at karanasan bilang isang civil engineer, matagumpay na nagawa at nabigyan ng magandang disenyo ang tree house gamit lamang ang mga lumang materyales na kanyang nakita sa bodega ng kanilang bahay.

Photo Credits| Gbong Suniga | FB

Pagbabahagi nga ni Gbong sa isang panayam sa Real Living, ang kanyang ginawang tree house ay matibay at ligtas dahil yari ito sa “concrete and steel”.

“My son and I stay here most of the time. The structure is very safe because the tree house itself is made of concrete and steel, then cladded by native materials like wood and nipa.”

Agaw-pansin naman talaga ang ganda ng disenyo nito mapa-araw man o gabi. Kung sa araw nga ay napakagandang pagmasdan ang nakakarelaks nitong tanawin, pagsapit naman ng gabi ay napapalamutian ito ng mga nakasabit na ilaw. Hango naman ang disenyo ng tree house sa Bali house na kung saan nga ay may kombinasyon ng modern at minimalist design. Makikita nga na meron itong hanging garden, isang attic coffee area. Kahanga-hanga rin ang Batman-inspired carport nito.

Photo Credits| Gbong Suniga | FB

“I love the combination of the design concepts which makes it unique and at the same time, very comfortable to live in. Each area stands out depending on the time of the day because of the shade provided by the Acacia tree.”

Napakaganda naman talagang pagmasdan ang tree house lalo na nga’t bumabagay rin ito sa kapaligiran. Para maisakatuparan naman ni Gbong ang ganda at disenyo ng tree house para sa kanyang anak ay gumastos siya ng halagang P250,000. Kasama na nga rito ang mga furniture at appliances.

Photo Credits| Gbong Suniga | FB

Sa kanyang post naman sa Home Buddies, ay ibinahagi niya na nakatipid siya sa ilang materyales tulad ng tiles, GI sheets at iba pang materyales na nakita niya sa bodega. Ang 30 sqm na tree house ay pinaganda ng steel railings at stairs. Makikita naman na nilagyan pa ito ng grass carpet at nilagyan rin ng mga hanging pots.

Isa naman sa paboritong tambayan ni Gbong at ng kanyang anak ay ang ginawa niyang giant hammock na talaga namang matibay ang pagkakagawa.

Photo Credits| Gbong Suniga | FB

“The first one is the best tambayan in the morning between 7am to 10am then the second one is best used between 1pm to 3pm. In the evening, the best views are seen from the attic and bedroom.”

Makikita rin na may malinis itong kusina na bagama’t maliit ay kompleto sa kagamitan, kung saan nga ay may mini ref at counter top pa. Mayroon rin itong bedroom, bathroom at coffee area.