Home Entertainment Angeline Quinto, Binuksan ang mga Regalo na Natanggap ni Baby Sylvio Mula...

Angeline Quinto, Binuksan ang mga Regalo na Natanggap ni Baby Sylvio Mula sa kanyang mga Bigatin na Ninong at Ninang

Noong nakaraan June 27, ipinagdiwang ni Angeline Quinto at ng non-showbiz boyfriend nito na si Nonrev Daquina ang ikalawang buwan ng kanilang anak na si Baby Sylvio, kasabay narin dito ang pagpapabinyag nila sa kanilang anak.

Naging star-studded ang binyag ni Sylvio matapos dumalo ang ilan sa mga bigating artista sa mundo ng showbiz at mga kilalang personalidad kagaya nalang ni Unkabogable Vice Ganda, Yeng Constantino, Doktora Vicki Bello at asawa nitong si Hayden Kho, Erik Santos, Richard Yap at madami pang iba.

Present din sa ginawang binyag ni Sylvio ang ilan sa mga bigating executive ng Abs-Cbn na sila, Deo Endrinal, Lauren Dyogi at Cory Vidanes.

Dahil dito bumuhos ang mga regalo na natanggap ni Sylvio kaya naman sa latest vlog ni Angeline, ipinasilip niya ang ilan sa mga natanggap na regalo ng kanyang baby sylvio.

Unang binuksan ni Angeline ay isang maliit na jordan box na naglalaman ng napakagandang sapatos na galing sa tito ng kanyang boyfriend na taga amerika na ayon kay Angeline ay umuwi talaga sa Pilipinas upang makaattend lang ng binyag ni Sylvio.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Isa pa sa mga malalapit na kaibigan ni Angeline na nagregalo kay Sylvio ay ang kanyang bigatin na ninang na si Sara Geronimo Guidicilli, kung saan nagbigay ng napakadaming regalo kaya ng mga damit, mejas, puzzle mat, laruan.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Pagbabahagi naman ni Angeline na kahit hindi nakapunta ang kaibigan na si Sarah G sa binyag ni Sylvio ay nagpadala naman daw ito ng mensahe sakanya. Malaki din ang pasasalamat ni Angeline kay Sarah G, dahil hindi umano daw ito nakakalimot sakanya at ito pa ang isa sa mga unang nangamusta sakanya at nag congratulate noong ipinanganak niya si Sylvio.

Isa pa sa nagbigay ng regalo ay si Cory Vidanes kung saan nagregalo ito ng isang Folded Electronic Swing.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Isa pa sa nagbigay ay si K Brosas na nagregalo ng mga damit.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Nakatangap naman ng isang maliit na family pictures si Sylvio mula sa kanyang ob gyne na nagpaanak sa kanyang mommy na si doctor Shirley Del Rosario.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Marami pa ang nagpaabot ng regalos kay Sylvio at sobra ang pagpapasalamat ni Angeline at Nonrev sa mga kaibigan, kamag-anak na dumalo at sa kanilang mga followers na nagpaabot ng pagbati at patuloy na sumusuporta sakanila.