Home Entertainment Angeline Quinto, ipinasilip ang naging masayang selebrasyon ng binyag ng kanyang anak...

Angeline Quinto, ipinasilip ang naging masayang selebrasyon ng binyag ng kanyang anak na si Sylvio

Dalawang buwan makalipas ng isilang ng Kapamilya singer at ngayon ay proud celebrity mom na si Angeline Quinto ang kanyang napaka-cute na anak na si Baby Sylvio.

Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Matatandaang ika-27 ng Abril ng ibahagi ni Angge sa kanyang Instagram account ang pagdating ng kanilang panganay na anak ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, at kanilang pinangalanan ito bilang si Sylvio Quinto Daquina.

At sa napakabilis na paglipas ng panahon, ay sino ang mag-aakala na ang bagong silang pa lamang na si Baby Sylvio ay 2 months old na ngayon at sa mismong araw ng pagpatak nito ay siya ring pagdiriwang ng kanyang binyag.

Sa ibinahaging litrato ni Angge sa kanyang Instagram post ay makikita ang isang bonggang selebrasyon na kanilang inihanda para sa binyag ng kanilang anak.

Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Matapos ang naturang event sa simbahan ay naganap naman ang isang masayang salu-salo sa Edsa Shangri-La na dinaluhan ng ilan sa malalapit na kaibigan at kapamilya ng magkasintahan.

Isang cloud-themed na Heaven Sent ang siyang naging tema ng kanilang napakaganda at bonggang selebrasyon sa tulong ng event stlylist na si Dave Sandoval.

Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Ilan sa mga malalapit na kaibigang celebrities ni Angge na present sa binyag ni Baby Sylvio ay sina Vice Ganda, Yeng Constantino, Erik Santos, K Brosas, JP Endrinal, Bugoy Drilon, Richard Yap, at ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho.

Bukod sa kanila ay makikita rin sa nasabing event na imbitado rin ang ilan sa kanilang mga big boss ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes at Lauren Dyogi.

Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Labis namang pinasalamatan ni Angeline ang lahat ng nakisaya at nakadalo sa espesyal na pagdiriwang na ito sa kanilang pamilya, lalong-lalo na para sa kanilang anak na si Baby Sylvio.

Aniya, “Thank you to everyone who made Baby Sylvio’s Christening possible! We appreciate all of our guests that celebrated with us, you have all been wonderful and made Baby Sylvio’s celebration extra special and of course we also want to thank people who have helped make this event very memorable for all of us.”