Home Entertainment Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng throwback photo kasama ang mga anak na sina...

Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng throwback photo kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan

Ang pagiging single mom ng dating beauty queen, at aktres na si Ruffa Gutierrez ay kailanman hindi naging hadlang para sa celebrity mom na maibigay ang magandang buhay at kinabukasan para sa kanyang mga anak.

Credit: @iloveruffag on Instagram

At sa kabila nga ng kanyang naging pangyayari sa kanyang bhay pag-ibig, ay hindi naman nagpadala sa lungk0t si Ruffa, at buong puso na hinarap ang responsibilidad na maging isang ina at ama sa kanyang mga anak.

Kaya naman hindi kataka-taka na ang kanyang magagandang mga anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran, ang kanyang pinagkukunan ng lakas upang mas lalo pang maging matatag na harapin ang buhay ng may ngiti at kaginhawaan sa kanyang puso.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Matatandaang taong 2003 nang ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. Ngunit ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nauwi rin sa hiwalayan noong taong 2007.

Tila ito nga ang taon na siyang labis na sinubok ang katatagan ng aktres at ang hirap na kanilang pinagdaanan ng kanyang mga anak na sina Venice at Lorin.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Ngunit sa kabila man ng kanilang pinagdaanang pagsub0k noon, ay naniniwala pa rin si Ruffa na “the best is yet to come” sa kanilang buhay ng kanyang mga anak.

Ito nga ang mga salitang binitiwan ng celebrity mom sa kanyang naging masayang pagdiriwang ng kanyang ika-48 na taong kaarawan nito lamang Biyernes, ika-24 ng Hunyo.

Sa Instagram post ng aktres, ay ibinahagi ni Ruffa ang isang throwback photo na siyang kinuhanan ang naturang litrato noong taong 2007.

Sa larawan ay makikita ang napakagandang aktres kasama ang kanyang napaka-cute na mga anak na sina Lorin at Venice.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Sa litratong ito, ay muling inalala ni Ruffa ang mga nalagpasang hirap na dumaan sa kanilang buhay ng kanyang mga anak.

Aniya, “Posting a throwback photo of us because so much has happened in our lives since this photo was taken in 2007. Countless up & downs, heartaches & breakthroughs, failures & triumphs…”

Credit: @iloveruffag on Instagram

Tunay ngang kahanga-hanga ang ipinakitang katapangan at katatagan ng celebrity mom, na sa kabila man ng halos labinlimang taon ay malaki pa rin ang kanyang naging pasasalamat sa masayang buhay na ibinigay kasama ang kanyang mga anak.

Credit: @iloveruffag on Instagram

Saad pa ni Ruffa, “Today, on my special day, I cannot be more thankful to be alve, happy, and healthy.”
“Life itself is a beautiful gift. It may sound cliché but let’s manifest that the best is yet to come. Happy birthday to me!!” dagdag pa nito.