Home Entertainment “Grades are not everything”: Dating Miss Universe Third Runner-Up Shamcey Supsup, Mayroong...

“Grades are not everything”: Dating Miss Universe Third Runner-Up Shamcey Supsup, Mayroong Kakaibang Pananaw Pagdating sa Grado at Edukasyon

Ngayong panahon ng pagtatapos ng mga estudyante, normal nang ibahagi ng mga magtatapos na ito ang kanilang mga awards, grado, at iba pang tagumpay na kanilang nakuha mula sa ilang taong pagsusumikap sa pag-aaral.

Kaugnay nito, kakaiba naman ang pananaw ng 2011 Miss Universe Third Runner-Up na si Shamcey Supsup. Sa isang Instagram post, ipinakita ng dating beauty queen ang kaniyang Transcript of Records o TOR. Makikita rito ang lahat ng gradong kaniyang nakuha noong nag-aaral pa siya ng Architecture sa UP Diliman.

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Talaga nga namang nakakabilib si Shamcey dahil bukod sa kaniyang kagandahan, napakatalino rin niya. Ito ay dahil makikita na matataas ang nakuhang grado ng beauty queen. Dahil dito, pinarangalan siya bilang Magna Cum Laude noong nagtapos siya sa kolehiyo.

Dagdag pa rito, si Shamcey rin ang nanguna sa ginanap na licensure examination para sa mga nais maging isang ganap na architect noong taong 2010. Matapos nito, nadagdagan pa ang mga tagumpay ni Shamcey nang maging third runner-up siya sa ginanap na 2011 Miss Universe pageant.

Ngayon naman, bukod sa pagiging isang lisensyadong architect, nagsisilbi rin siya bilang national director ng Miss Universe Philippines organization. Ipinagmamalaki rin niyang ibinahagi ang kaniyang pagtuturo sa panganay na anak na sa murang edad pa lamang ay marunong nang magbasa.c

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Dahil sa dami ng tagumpay na naabot ni Shamcey, maaaring masabi na dahil ito sa kaniyang nakuhang mga grado at awards noon ngunit iba ang pananaw ng dating beauty queen.

Photo credits: Shamcey Supsup |IG

Katulad ng ilang estudyante, “grade conscious” raw siya noon pa man kaya naman hindi malaking isyu sa kaniya kung mayroon siyang natututunan. Ang importante raw ay makuha niya ang inaasam na grado ngunit iba na ang paniniwala niya ngayon. Mas importante raw pala kung paano gagamitin ng isang tao ang kaniyang kaalaman at talino.

Ayon sa kaniya,

“Grades are not everything. Grades should be a byproduct of learning. And what you do with that knowledge is MUCH more important than what is on your report card.”

Dahil sa kahanga-hangang pananaw na ito ni Shamcey, umani ng napakaraming likes ang nasabing Instagram post. Syempre, marami ang namangha sa kaniyang mga grado.