Home Entertainment Barbie Imperial, proud na nag flex ng natatanging “relasyon” kay Sandro Marcos

Barbie Imperial, proud na nag flex ng natatanging “relasyon” kay Sandro Marcos

Nito nga lang ay ginulat ni Barbie ang lahat ng kanyang binida na close pala sila ng panganay na anak ni BBM na si Sandro Marcos.

Nag vlog ang aktres na ang tema ay kunwari na malalaman niya na ampon siya at makikitira siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Kaya naman hindi nakaligtas dito ang kanyang malalapit na kaibigan kabilang nga si Sandro Marcos.

Pero siyempre mejo tense si Barbi Imperial kung paano niya makukumbinse si Sandro.

Aniya, “Ito yung pinaka kinakabahan ako na i-prank kasi, siyempre, friend ko ito and… respect, respect, okay… Sandro Marcos, one of my close friends.”

Tinawagan na nga niya si Sandro at bago niya sabihin ang kanyang pakay ay nagkamustahan muna ang dalawa.

At eto na nga, sinabi na ni Barbie na siya ay isang “ampon” at kung maaari ba siyang makituloy sa bahay nila Sandro.

Siyempre, nabigla si Sandro at tila pinag-iisipan mabuti ang naging pag-amin ni Barbie. sa huli ay pumayag si Sandro at sinabi na maaari siyang matulog sa guest room nila.

At tila ito na ang naging hudyat para kay Barbie na sabihin na ” It’s a Prank!”. Hindi naman napigilan ni Sandro na magreact sa kabilang linya at sabihin na ” You’re so Annoying!”.

Tawa naman ng tawa si Barbie sa naging reaction ni Sandro. Kaya naman mukhang proud na proud ang aktres kay Sandro at sinabi nito na; “Guys, ang bait ni Sandro Marcos, sobrang bait ng kaibigan ko na ito.”

Makikita na tila sobrang close nga ng dalawa dahil komportable silang mag-usap. Pagkatapos nito ay nagpalamanan na ang dalawa sa tawag.

Siyempre, hindi rin nakaligtas ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Barbie na sina Chie Filomeno, Tony Labrusca, Ricci Rivero, at Carlo Aquino sa kanyang prank call.