Home Entertainment Habang nagpapagamot sa Amerika, Kris Aquino at dalawang anak na sina Josh...

Habang nagpapagamot sa Amerika, Kris Aquino at dalawang anak na sina Josh at Bimby nagpositibo sa C0VID

Matapos ang ilang linggong pamamahinga sa social media, nagbigay na ng update si Kris Aquino sa kanyang health condition.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes ng madaling araw, inamin niya na nagpositibo sila sa C0VID ng kanyang mga anak.

“Kuya Josh tested positive for C0VID19 on June 20. Nurse took his temperature then they got anti6en kits, tested him first because he was so unlike himself” pagbabahagi ni Kris.

Noong mga oras na yun ay natutulog daw siya sa kanyang kwarto. Kaya ginising siya ng kanyang nurse para sabihing nag-positive ang anak.

Noong una daw ay hindi pa maintindihan ni Kris ang sinasabi ng nurse hanggang sa dumating ang kanyang bunsong anak na si Bimb at sinabing magsuot siya ng face mask.

May nakilala raw na bagong kaibigan si Kris sa Houston, Texas. Na tumulong upang makakuha sila ng prescription para kay Josh.

Ang ikinabahala umano ni Kris ay ang sinabi ng kaibigan na makakayanan daw ni Josh ang C0VID. Pero ang inaalala nito ay ang TV host at si Bimby na may asthma kaya pinalilipat na sila.

Masakit man daw sa kalooban niya na iwan ang panganay na anak ngunit kailangan daw talaga niyang mag-ingat lalo na sa kanyang kalagayan. At syempre para din sa kalusugan ng bunso niyang si Bimby.

Nag-take rin ng PCR test sina Kris at Bimb para masiguro ang kanilang kalagayan. Sa inisyal na test ay nag-negative ang resulta ngunit makalipas ang ilang araw ay sumama ang pakiramdam niya.

Nang magising siya at kumustahin si Bimby, sinabihan siya ng bantay na pitong oras na itong natutulog.

Kinabahan si Kris kaya ipina-antigen test ang anak. At doon na nila nalaman na nag-positibo din si Bimby.

Kasalukuyang naka-isolate pa rin ang mag-iina.