Home Entertainment Mas lalong kinaawaan, nag viral na nursing student na napahiya sa mismong...

Mas lalong kinaawaan, nag viral na nursing student na napahiya sa mismong araw ng graduation, nagsalita na

Labis na tumawag ng atensyon sa social media ang mapait na sinapit ng isang nursing graduating student, matapos itong paalisin sa pila ng mga aakyat sa entablado.

Ayon sa post, hindi pa umano nakukumpirma ng eskwelahang pinapasukan ang graduation fee nito. Kaya hindi ito pinayagang umakyat sa stage para tanggapin ang diploma.

Ibahagi ng kanyang kapatid ni John Marcelino Rosaldo sa social media ang kaganapan noong June 23, araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

Si John ay nursing graduate mula sa Lorma Colleges, La Union, na hindi raw pinagmartsa sa graduation ceremonies.

Nang mag viral, isiniwalat na ni John ang buong pangyayari sa tr4umatizing graduation ng kanyang batch.

Sa Facebook post naman ng former actress na si Joy Ortega. Na elected board member ng District 1 ng La Union. Idinetalye ni John ang pangyayari sa kanyang two-page official statement.

Lumalabas na nagkaroon ng miscommunication kaugnay ng graduation fee. Tanghali raw ng June 22, ipinadala ni John ang kanyang bayad sa bank account ng school via GCash.

Hindi raw agad nabasa ni John, na noon ay nasa clinical duty, ang message ng accounting office na hinihingi ang screenshot ng proof of payment niya.

Kaya gabi na ng maipadala niya ang resibo, panatag naman daw siya na hindi na magkaka-aberya. Ngunit kinabukasan ay doon na nga nangyari ang hindi niya malilimutang araw sa kanyang buhay.

“Our names were called and our photos were shown on the screen but we were not allowed to go up on stage to receive our diploma and have that ‘significant’ photo-op.”

Lumalabas na hindi lamang pala si John ang graduate na nakaranas nito sa mismong araw ng graduation.

Nakaramdam daw si John ng “sadness and humiIi4tion.”

Dakong 10:00 a.m., matapos ang diploma distribution, pinabalik na sila sa kanilang upuan.