Home Entertainment Aktres na si Ysabel Ortega, ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakalawak na...

Aktres na si Ysabel Ortega, ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakalawak na Modern Balinese theme na bahay sa probinsya

Makalipas ang isang taon simula ng maisailalim ang Metro Manila sa community quarantine, marami sa atin ang piniling manirahan sa probinsya upang makasama ang mga pamilya.

Bahagi ng new normal na ito ay paglaganap din ng online classes na siyang bagong educational platform ng bawat estudyante at guro sa Pilipinas ngayon.

Kaya naman dahil sa pagbabagong ito ay ipinasilip naman ng aktres na si Ysabel Ortega ang kanilang mala mansiyon na tahanan na matatagpuan sa probinsya ng La Union.

“My home, as you guys know, is in La Union because I’m a true-bl0oded Ilocana. And alam niyo naman na I go to school in Manila and I also go to work in Manila. But because of the pandemic and because online classes na kami ngayon and I really don’t have to go to school every day anymore, I am now here in La Union and I get to spend more time in my home here.”

Bukod sa pagiging isang artista at estudyante ay pinasok na din ni Ysabel ang mundo ng vlogging, kaya naman isa sa mga videos na makikita sa kaniyang YouTube channel ay ipinasilip niya sa atin ang kanilang tahanan.

Sa bungad pa lamang ng kanilang tahanan ay makikita na ang kanilang outdoor bamboo sala na siyang gawa mismo ng mga local furniture makers.

Sunod naman nito ay ipinakita din niya ang kanilang Koi pond at isang kubo.

Pagpasok naman sa kanilang tahanan ay mamangha ka naman sa angking ganda nito na siyang isang modern balinese ang napiling tema at disenyo ng kanilang bahay magmula sa mga wooden furnitures na iyong makikita mula dito.

Kapansin-pansin din na halos lahat ng kanilang mga furnitures ay mula mismo sa Triboa Bay Living at Crate & Barrel.

Pagdating naman sa kulay puti ng kanilang bahay, ang ina mismo ni Ysabel ang siyang pumili nito upang bumagay ang mga wooden furnitures na iyong makikita mula dito.

Ipinasilip din ni Ysabel ang kanilang three indoor lounges, at indoor-outdoor lanai, na katabi naman nito ang kanilang swimming pool.

Sunod naman na ipinakita ng aktres ang kanilang movie room, kitchen, office ng kaniyang Daddy at ang kanilang garden na kasalukuyang hindi pa tapos ang landscaping nito.