Home Entertainment Marjorie Barretto, proud sa kanyang anak na si Claudia sa kanyang pagtatap0s...

Marjorie Barretto, proud sa kanyang anak na si Claudia sa kanyang pagtatap0s sa kolehiyo na papunta din sa ibang bansa upang magbakasyon bilang regalo sa sarili

Ang pamilyang Barretto ay isa lang naman sa mga kilalang pamilya sa mundo ng showbiz, hindi lamang dahil sa kanilang natatanging husay at galing sa pag-arte, kundi dahil na rin sa kanilang pagkakaroon ng magagandang mukha at mala porselanang kutis at balat.

Credit: @marjbarretto on Instagram

At kung pag-uusapan lang rin naman ang kani-kanilang angking kasikatan sa mundong kanilang ginagalawan, marahil ay kilalang-kilala na natin ang Barretto siblings na sina Gretchen Barretto, Marjorie Barretto, at Claudine Barretto na siyang nag-iwan ng natatanging marka at inspirasyon sa puso ng kanilang mga tagahanga.

Credit: @marjbarretto on Instagram

Ngunit, taliwas sa yapak na tinahak ng Barretto siblings ang siyang naging landas na tinahak naman ngayon ng isa sa mga napakagandang anak ni Marjorie na si Claudia, na kung saan ay mas piniling harapin ang pagiging isang estudyante at mahusay na mang-aawit.

Hindi naging lingid sa kaalaman ng iba na nakapagtapos na nga sa kolehiyo si Claudia nito lamang Mayo, mula sa kursong Psychology sa Ateneo de Manila University.

Credit: @marjbarretto on Instagram

At sa naging pagtatapos ni Claudia sa kanyang pag-aaral, ay hindi naman napigilan ni Marjorie ang labis na pagka proud sa kanyang anak, sa nakamit nitong tagumpay sa kanyang buhay.

Sa katunayan nito lamang Biyernes, ika-27 ng Mayo ay isang taos-puso at maramdaming mensahe ang siyang ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang anak.

Credit: @marjbarretto on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Marjorie sa kanyang Instagram, ay makikitang inihatid na ng dating aktres si Claudia sa airport, na siyang nakatakdang lumipad patungong Europe upang makapag-travel at makasama ang kanyang mga kaibigan bilang graduation gift sa kanyang sarili.

Aniya, “Off she goes…. I took my third child to the airport late last night, she was to travel with her good friend to Spain and Italy. A trip she worked and saved up for as her graduation gift to herself.”

Sa kanyang naging mensahe, ay dito na inilahad ni Marjorie ang kanyang labis na pagka proud sa kanyang anak at ang suportang ibinigay nito sa pag-alis ni Claudia papuntang Europe.

Dagdag pa niya, “I’m so proud of you @claudia I hugged you so tight and told you to go and make the best memories. I put a cross on her forehead while praying to God to keep them under his protection. I love you, Claudia. Thank you for finishing strong in college. You make me so proud. Have fun and come back to Mom soon. God be with you”.

Credit: @marjbarretto on Instagram

Samantala, nag-iwan rin naman ng maikling mensahe at suporta ang isa sa mga kapatid ni Claudia na si Dani Barretto.

“Enjoy Clau! We love you!!! Please update us when you can. Have the best time in Europe! @claudia”.