Home Entertainment Zsa zsa Padilla, walang kupas pa rin ang kagandahan sa kanyang pagdiriwang...

Zsa zsa Padilla, walang kupas pa rin ang kagandahan sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-58 taon na kaarawan

“50 is the new s3xy”, ganiyan nga ang bagay na pinatunayan ng aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla, matapos proud na ibinida ang kanyang taglay na kagandahan at kas3ksihan na hindi pa rin kumukupas sa kabila ng kanyang edad ngayon.

Kinilala si Zsa Zsa hindi lamang bilang isang mahusay na aktres at singer, kundi siya rin ay kinilala sa kanyang pagiging isang mahusay na songwriter, music producer, product endorser, businesswoman, at ngayon ay isa na rin sa maituturing na content creator o vlogger na may 225K subscribers na sa kanyang YouTube channel.

Ilan nga sa mga tampok na videos na mapapanood at matutunghayan sa kanyang channel ay ang mga masasaya at kapana-panabik na adventure ng celebrity mom sa mga naggagandahang lugar sa bansa.

Minsan na ring naitampok sa vlog ni Zsa Zsa ang kanilang napakaganda at napakalawak na farm, na matatagpuan mismo sa Lucban, Quezon na kanilang tinawag bilang Casa Esperanza na siyang naipagawa nila ng kanyang partner na si Conrad Onglao.

Ngunit, maliban sa pagiging isang vlogger ngayon ay madalas na ring masilayan si Zsa Zsa sa telebisyon bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa noontime variety show na It’s Showtime, na kung saan ay nakakasama niya rin rito ang kanyang panganay na anak at isa sa mga naturang host ng programa na si Karyll.

Sa kabila ng kanyang natamong kasikatan sa kanyang karera at katagumpayan sa mga pangarap na kanyang naisakatuparan, ay talaga nga namang wala na maihihiling pa si Zsa Zsa magmula sa mga biyayang patuloy niyang natatanggap mula ngayon sa kanyang buhay.

Talaga nga namang deserve niya ang lahat ng mga ito, kaya naman maging ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay isa rin sa mga hindi malilimutang selebrasyon ng aktres, na kung saan ay nakasama niya sa simple at masayang selebrasyong ito ang mga taong mahahalaga sa kanyang buhay.

Nito lamang ika-28 ng Mayo ay masayang ipinagdiwang ng celebrity mom ang kanyang ika-58 na taong kaarawan kalakip ang isang short video clip mula mismo sa kanyang naturang selebrasyon.

Kapansin-pansin na talaga nga namang hindi maitatanggi ang pagiging fresh and young-looking pa rin ni Zsa Zsa, na hindi aakalain na sa kabila ng kanyang edad ngayon ay taglay pa rin niyang ang ganda at kas3ksihan na hindi kumukupas.

Samantala, bago naman ang mismong pagdating ng kanyang kaarawan ay nagkaroon naman ng isang masayang dinner date si Zsa Zsa, kasama sina Karylle at Nicole (Coco) Quizon at si Amy Perez.

Ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz naman ang nagbigay rin ng pagbati para sa kaarawan ni Zsa Zsa, at ilan nga sa mga nag-iwan ng kanilang komento ay sina Ryan Bang, Jaya, Lorna Tolentino, Arlene Muhlach, Cherry Pie Picache, Rita Avila, Angeline Quinto, Korina Sanchez at marami pang iba.