Home Entertainment Naging masaya ang taon na ito para kay Sharlene San Pedro dahil...

Naging masaya ang taon na ito para kay Sharlene San Pedro dahil sa tagumpay na kanyang natamo dahil sa kanyang pagtatap0s sa kolehiyo.

Ang edukasyon ay isa na marahil sa itinuturing na pinakamahalagang bagay sa ating buhay, dahil ito ang magsisilbing daan patungo sa landas na tinahak patungo sa minimithing tagumpay.

Credit: @sharlenesanpedro1 on Instagram

Marami nga sa mga kabataan ngayon ang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, dahil sa kahirapan, ay marami ang walang kakayahan upang matupad at mabago ang kanilang buhay na kinagisnan.

Ganunpaman, may ilan rin naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang pinatunayan pa rin na sa kabila man ng kanilang tinatamasang tagumpay sa kanilang mga karera, ay hindi magiging hadlang ito upang matupad ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Credit: @sharlenesanpedro1 on Instagram

Kaakibat man nito ang maraming pagsub0k at busy schedule sa kanilang mga trabaho, ay hindi nga sinukuan ni dating Goin’ Bulilit child star na si Sharlene San Pedro na makamit ang tagumpay na ito.

Dahil nga sa kanyang kasipagan at pagsusumikap, ang 23-year-old na aktres ay sa wakas nakapagtapos na ng kolehiyo sa AMA University’s Online Education system sa kursong AB Psychology.

Ang magandang balitang ito ay inanunsyo ng aktres sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikita ang litrato ni Sharlene habang suot-suot ang kanyang graduation gown.

Kalakip ang kanyang caption na, “”what she tackles she conquers.” Sharlene S. San Pedro, Bachelor of Arts in Psychology”.

Credit: @sharlenesanpedro1 on Instagram

Maliban sa anunsyo ng kanyang naturang pagtatapos sa kolehiyo, ay minsan na ring ibinahagi ni Sharlene sa publiko ang isa pang panibagong achievement rin na nangyari sa kanyang buhay.

At ito nga ay walang iba kundi ang matagumpay niyang nairaos ang kanyang naging online thesis defense kasama ang mga naturang panelists sa kanilang naging online zoom meeting.

Credit: @sharlenesanpedro1 on Instagram

Ang titulo umano ng thesis na kanyang ginawa at dinefend ay ang, “In The Limelight: A Phenomenological Study on the Social Media Bashing Experience to the Emotional Health of Selected Public Figures.”

Hindi nga matatawaran ang labis na kaligayahan ng aktres sa bagong tagumpay na kanyang nakamit. Bagama’t, hindi man naranasan ang face to face graduation dahil sa labis na pag-iingat pa rin sa kumakalat na sak1t na COVID-19, ay masaya pa rin niyang ibinahagi sa social media ang nakamit na tagumpay na bunga ng kanyang pagsusumikap sa pag-aaral.

Credit: @sharlenesanpedro1 on Instagram

Samantala, marami naman sa mga sikat at kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati para kay Sharlene.

Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang mga komento ay sina, Jason Abalos, Alora Sasam, Maricar Reyes, Aya Fernandez, Erika Rabara, at marami pang iba.