Home Entertainment Dennis Padilla, Hindi Umano Binati nina Julia, Claudia at Leon Nitong Father’s...

Dennis Padilla, Hindi Umano Binati nina Julia, Claudia at Leon Nitong Father’s Day!

Viral ngayon ang post na agad naman din binura ni Dennis Padilla. Ayon sa komendyante, hindi umano siyang binati nitong Father’s Day ng kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Sa una niyang post, sinabi niya na “Leon… You forgot to greet me last sunday… hehe… Love you ingat.” Kalakip ng caption ay ang larawan ni kasama ang anak na si Leon.

Sumunod naman niyang ipinost ang larawan nina Claudia at Julia at sinabi niya sa kanyang caption na, “Miss you both… You forgot to greet me last sunday… Hehe! Love you… God bless you more.”

Marami sa mga netizens ang nalungkot para kay Dennis dahil hindi siya binati ng kanyang mga anak nitong Father’s Day.

Mayroon namang nagsabi na baka may hindi magandang nagawa si Dennis sa kanyang mga anak.