Home Entertainment Coleen Garcia, ipinasilip ang biglaang pag-eksena ng kanilang napakacute na anak na...

Coleen Garcia, ipinasilip ang biglaang pag-eksena ng kanilang napakacute na anak na si Amari sa kanilang couple photosh0ot

Parang kailan lamang nang isilang ng aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia ang kanilang panganay na anak ng kanyang asawang si Billy Crawford na si Amari.

Credit: @coleen on Instagram

At sa paglipas ng panahon simula ng ipakilala si Amari sa publiko ng kanyang mga magulang, ay hindi maitatanggi na umani agad ng maraming papuri mula sa mga netizens ang kanyang taglay na kakyutan at kagwapuhan.

Kaya naman hindi kataka-takang sa kanyang taglay na bibong personality ay maraming mga netizens ang talagang nakaabang sa bawat litrato at videos ni Amari sa social media.

Credit: @coleen on Instagram

Tunay ngang maging ang mag-asawang Coleen at Billy ay hindi rin nakalampas sa labis na kakulitan at kakyutan ng kanilang unico hijo.

Patunay nga nito ay ang katatapos lamang na photosh0ot ng mag-asawa, na kung saan ay magsisilbi dapat itong isang couple photosh0ot ngunit tila nagmistulang family picture nga ang kinalabasan ng mga litrato sa kanilang naging pictorial.

Credit: @coleen on Instagram

Sa kanilang naging photosh0ot, ay makikita ang pagiging f!erce at glamurosong pictorial nina Billy at Coleen, na talaga nga namang kahit sino ay kikiligin sa kanilang taglay na chemistry.

Ngunit tila ang planong couple photosh0ot ay nagsilbing isang family picture nga matapos maging photob0mber si Amari sa kasagsagan ng pictorial ng kanyang mga magulang.

Kapansin-pansin na sa bawat litrato ng mag-asawa ay naroon nga si Amari habang makikita na hawak-hawak naman nito sa kanyang mga kamay ang kanyang paboritong bola, at tila gusto ngang makisali sa photosh0ot at makipagkulitan sa kanyang mga magulang.

Credit: @coleen on Instagram

Dahil sa nakakatawang eksenang ito ni Amari ay marami nga sa mga netizens ang natuwa, at maging ang mga kaibigan at katrabaho ng mag-asawa sa showbiz ay hindi rin napigilan panggigilan ang taglay na kakyutan ni Amari.

Ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang komento ay sina KC Montero, Gretchen Fullido, Kryz Uy, Rachelle Ann Go at marami pang iba.

Credit: @coleen on Instagram

Ito naman ang nakakatuwang reaksyon at komento ng mga netizens.

“Hahahahhaaha😂😂😂😂 this made my day 😍❤️”

Credit: @coleen on Instagram

“HAHAHA LAUGHTRIP 😂😂😂”

“Cutest photob0mber ever! 😂❤️”